Datu ng Mactan | Lapu-Lapu

Nakilala si Lapu-Lapu noong 1521 na isang Datu sa Pulo ng Mactan at pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa pananakop ng mga Kastila.

  • Ang Datu ng Mactan na si Lapu-Lapu

Lapu-Lapu

Lapu-Lapu
Photo from: Google

Ipinanganak si Lapu-Lapu taong 1491 at kilala rin sa pangalang Kolipulako. Ang bayani ng Mactan na nakapaslang sa pinuno ng hukbo ng mga kastila na si Magellan. Si Lapu-Lapu ay inilalarawan bilang strikto, matalino, at hindi nagpapatinag. Siya ay tuloy-tuloy na nakipagdigmaan laban sa makapangyarihang pinuno ng Cebu.

Gayunpaman, ang isla ng Maktan kahit na maliit ay isang maunlad na komunidad nang ang dakilang si Magellan ay dumating sa Cebu. Subalit nang malaman ni Magellan na ang ilan sa mga naninirahan sa maliliit na isla ng Cebu ay tumangging kilalanin ang Hari ng Espanya at agad niya itong sinunog. Si Lapu-Lapu ang isa sa mga katutubong lider na tumangging kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya sa mga isla.

Nang magtungo si Magellan sa isang pinuno ng isla dala ang tatlong barkong puno ng mga Kastila at dalawampung barko ng mga Cebuano, ay agad silang sinalubong ng hukbo ng mga katutubong elemento na ang gamit sa pakikipaglaban ay gaya ng kahoy na kalasag, mga pana at mga sibat na pinamumunuan ni Lapu-Lapu. Ang mga mananakop na mga Espanyol at mga Cebuanong kasama nila ay napabalik sa kanilang mga bangka, subalit ang kanilang pinuno na si Magellan ay nakatagpo ng kamatayan sa kamay ni Lapu-Lapu.

Ang labanan sa pagitan ni Lapu-Lapu at ng dahuyang mananakop na si Ferdinand Magellan ay naganap noong 27 Abril 1521. Sa pinaniniwalaang eksaktong lugar kung saan napatay si Magellan, na ngayon ay nakatayo ang monumento bilang parangal sa dakilang Datu ng Mactan na si Lapu-Lapu. Inilalarawan nito ang bayani na may hawak na tabak sa isang kamay at isang kalasag sa kabilang banda, ang mga armas na ito ay ang pinaniniwalaang ginamit niya sa kanyang pakikipaglaban sa hukbo ni Magellan.