Cirilo Bautista

Si Cirilo Bautista ay isang makata, kritiko, at nobelista na hinirang bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2014.

Malaki ang naiambag niya sa pagpapaunlad ng panitikan sa Pilipinas, gayundin sa pagpapalakas ng diwang makabansa ng mga Pilipino.

Si Cirilo Bautista ay isinilang noong ika-9 ng Hulyo taong 1941, siya ay nakapag-aral sa mababang paaralan ng Legarda at mataas na paaralan ng Mapa bago pa man siya kumuha ng AB Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Basahin: Jose Maceda

Kabilang sa mga akda ni Cirilo Bautista ay ang Trilogy of Saint Lazarus, ito ay isang epiko na tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas mula ika-16 hanggang ika-20 siglo, at ito ay binubuo rin ng mga aklat na Archipelago, Telex Moon, at Sunlight on Broken Stones na siya namang nagwagi ng Centennial Literary Prize noong 1998.

Kabilang naman sa mga akda ni Bautista ang mga aklat ng tulang Sugat ng Salita na nailathala noong 1985, Kirot ng Kataga (1995), at ang nobelang Galaw ng Asoge (2004) na unang isinerye sa Liwayway.

Umani rin ng iba’t-ibang parangal si Bautista tulad ng Pambansang Gawad Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas noong 1997, Makata ng Taon ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 1993, mga Gawad Palanca para sa kaniyang mga tula, kuwento, at sanaysay, at National Book Award noong 2013.

Basahin din: Bantas
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...