Chopsuey

Ang Chopsuey ay isa sa kilalang putaheng niluluto ng pinoy na puno ng sustansya sapagka’t ang mga pangunahing sahog nito ay gulay.

BASAHIN : Lakandula | Ang Dakilang Raha ng Tondo

Kasaysayan

Ang chopsuey ay putahe na American Chinese na lutuin, may iba’t ibang uri ng pagluluto nito pwedeng purong gulay lang at pwede naman haluan ng mga karne, alam naman natin na ang Chopsuey kahit ito’y puro gulay lang masarap na at pwede mo pa ito dagdagan ng ibang sangkap na dagdag pangpalasa, upang ito ay mas lalo pang pasarapin. Ang mga maari mong idagdag rito ay ang mga sumusunod.

  • Manok
  • baboy
  • Isda
  • Baka
  • Hipon
  • Itlog

BASAHIN : Adobo | kasaysayan

Pangunahing Sangkap

4 Kutsara ng Mantika
1 Sibuyas ( Maninipis na hiwa )
1 Kutsarita ng luya ( Binalatan at Hiniwa )
1 Buong Repolyo ( Hiniwa )
1 Pack ng Sitsaro ( Tinanggalan ng dulo )
1Pack ng maliliit na Mais ( Hiwain 2 pulgada haba )
½ Tasa ng tubig
1Malaking Bell Pepper ( Hiniwa at Tanggalan ng Buto )
1Kutsarita ng Sesame Oil
1/2Kutsara ng Toyo
1Kutsara ng Liquid Seasoning
1& ½ Kutsarita ng Cornstarch
1Kutsara ng Tubig
1& ½ Tasa ng Hinimay na manok ( Pinakuluan o inihaw )
Paminta ( depende sa panglasa )

BASAHIN :Jose Maceda | Pambansang Alagad ng Sining

PROSESO NG PAGLUTO NG CHOPSUEY

Una : Sa isang kawali gamit ang katamtamang apoy, painitan ang mantika. Ilagay ang sibuyas at igisa. Idagdag ang luya at bawang at lutuin hanggang sa lumabas ang amoy.

Pangalawa : Idagdag ang cauliflower, sitsaro at mais na mura na may tubig. Takpan at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto o hanggang sa  maluto ang cauliflower. Idagdag ang red bell pepper.

Pangatlo : Paghaluin ang sesame oil, soy sauce, liquid seasoning, cornstarch at tubig. Ilagay sa kawali at haluin. Idagdag ang manok at haluin hanggang sa maluto. Timplahan ng asin at pamintang durog.Ihain habang mainit.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy w

ADVERTISEMENT
loading...