Chinatown

Ang Chinatown ay isang lugar sa Maynila na kung saan nangangalakal ang mga Instik. Matatagpuan ito sa mga distrito ng Binondo at San Nicolas.

Hinago ang pangalang Binondo sa salitang Tagalog na binundok, na tumutukoy sa dating maburol na kapuluan ng lugar. Noong panahon ng kolonya ng EspaƱa, ang Binondo ay isang isla sa gawing hilaga ng Ilog Pasig.

Dati namang naninirahan ang mga Tsino sa Parian ngunit sa pagdami nila at ibang dahilang politikal, inilipat sila sa Binondo taong 1594. Ipinag-utos ito ni Gobernador Luis Perez DasmariƱas bilang permanenteng pamayanan ng mga dayuhang Tsino na nagpabinyag sa relihiyong Katoliko.

Basahin: Carriedo

Kalye Rosario ang pangunahing kalye noon sa Binondo, tinutumbok nito ang Plaza Calderon de la Barca at ang matandang Simbahang Binondo na itinayo noong 1596.

Sa kasalukuyan, nakahanay ang pinakamalaking bangko ng Pilipinas sa Rosario. Sa gawing kaliwa naman ng Plaza Calderon ang kalye San Fernando. Dito itinayo ang Alcaiceria de Binondo, dating lugar ng adwana at mga tindahan ng pakyaw.

Ang Alcaiceria de Binondo ngayon ay isa ng museo at aklatan. Nasa puson naman ng Chinatown ang Kalye Ongpin, nakahilera ang mga tindahan ng alahas, talyer ng platero, mga puwesto ng ipinagbibiling halamang-gamot, prutas, alagang hayop, at marami pang ibang hindi kalimitang nakikita sa lugar ng Maynila.

Tampok din sa Chinatown ang Templo ng Sampung Libong Buddha at ang mga pistang Tsino. Ang pagdiriwang ng Bagong Taon ng mga Instik na ginaganap sa pagitan ng ika-21 ng Enero at ika-19 ng Pebrero na kinatatampukan ng mga sayaw ng dragon, tula, at handaan.

Ipinagdiriwang din ng mga Tsino ang Pista ng Buwang Agosto na tinatampukan din ng sayaw, nakaugaliang parada, at eksibisyon ng kung fu.

Noong dekada ’80 nang magkaroon ng krisis pampinansyal sa bansa, binansagan itong Binondo Central Bank dahil dito nakakapagpalit ang mga negosyanteng Tsino ng malakihang halaga ng dolyar na siyang nakakapagdikta ng presyo ng piso sa dolyar.

Basahin din: Siopao
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...