Chicken Curry

Sino ba naman ang may ayaw ng Chicken Curry sapagkat ito ay mayaman sa lasa at aroma na tiyak na maiibigan ng lahat. ito ay maihahaling tulad natin sa ginataang manok o manok na niluto sa gata. Ang tanging pagkakaiba ay ang Ginataang Manok ay hindi ginagamitan ng anumang pampalasa o spices.

BASAHIN : Taho | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Noong unang panahon ang Pilipinas ay itinuturing na “Melting pot of Asia”. Dahil sa iba’t ibang lahi ang tumatawag sa Pilipinas bilang kanilang tahanan. Bitbit nila, ng mga taong ito na pawang mga migrante, mangangalakal, at mga colonizers ay nagdala ng kanilang kultura, tradisyon, at pagkain. 

Kaya umabot sa Pilipinas ang pampalasa na Curry na naging bahagi na ngayon ng ating panimpla, base sa paniniwala ang sabi ng iba na ang mga indianong mangangalakal daw ang nagturo sa mga pilipino kung para saan ang curry.

BASAHIN : Ginisang Monggo | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Chicken Curry

1Kilong Manok
2Katamtamang sibuyas
2Malaki na Siling Berde
1⁄2 Kutsarita ng Curry Powder
2Tasa ng Gata ng Niyog
1⁄2 Tasa ng Kakang-gata
1⁄2 Kutsaritang Asin
1⁄2 Kutsaritang Pamintang durog
3Butil ng Bawang
1⁄4 Tasa ng Mantika
1⁄2 Tasa ng Tubig

BASAHIN : Pininyahang Manok | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Chicken Curry

Una : Prituhin ang manok ngunit huwag gaanong papulahin. Sa dalawang sibuyas, ang isa ay hiwain nang pino. Malaki naman ang gawing hiwa sa isa pang sibuyas.

Pangalawa : Hiwain sa 3-4 ang siling berde, pitpitin ang bawang at papulahin sa mantika. Isunod ang sibuyas na pino ang hiwa. Makaraan ang ilang sandali ay magkakasabay na ihulog ang manok, sibuyas (malalaki ang hiwa) at sili.

Pangatlo : Tunawin ang curry powder sa tubig at isama sa gata ng niyog. Ibuhos ito sa manok, timplahan ng asin at pamintang durog. Pakuluin hanggang lumambot ang manok at lumapot ang sabaw. Kung hindi pa lumalambot ang manok at natutuyuan na ang sabaw, dagdagan pa ng ½ tasang gata at ½ tasang tubig.

PangApat : Kung malambot na ang manok at halos manuyo ang sabaw ay ibuhos ang kakang-gata o purong gata. Halu-haluin at lutuin pa ng mga 1 minuto at patayin ang apoy.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...