Cesar Legaspi

Si Cesar Legaspi ay isang Pilipinong Pintor, direktor na siyang kinilala at tinaguriang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1990.

Isinilang si Cesar Torrente Legaspi noong ika-2 ng Abril taong 1917 sa Tondo, Maynila at nakapag-aral siya ng isang termino sa pagpipinta sa Unibersidad ng Pilipinas.

Kabilang siya sa Thirteen Moderns na nagtaguyod ng sining na moderno ang estilo ngunit nagtatampok ng mga paksang sumasalamin sa lipunang Pilipino.

Basahin: Juan Luna

Kasama sina Manansala, HR Ocampo, Romeo Tabuena, Victor Oteyzaz, at Ramon Estela, si Cesar Legaspi ay isa rin sa tinaguriang mga neorealist.

Bahagi siya ng pagbabago sa sining na nagtaguyod sa sariling pagkakakilanlan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas. Habang nagpapakita ng impluwensiya ng kubismo ang mga likhang Legaspi, ipinamalas niya rin kung papaanong ang kubismo na isang estilong Kanluranin ay nabago upang umangkop sa Pilipinong kaugalian at dalumat.

Sa halip na maging isang abstraksiyon na lamang dahil sa paghahati-hati ng mga bahagi, ang kubismo ni Legaspi ay nagpanatili ng pigura sa pamamagitan ng paghahati sa mga aspekto nito sa isang mas malaking pantay na rabaw at pagsasalansan ng mga ito na animo’y isang ritmo ng pagsasanib ng kulay, liwanag, at anino.

Silipin din: Benedicto Cabrera

Ang unang solong ekshibisyon dinaluhan ni Cesar Legaspi ay noong 1963 sa Luz Gallery. Bukod sa maraming gantimpala bilang pintor, tumanggap din si Legaspi ng Patnubay ng Sining at Kalinangan mula sa Lungsod ng Maynila noong 1972 at Gawad CCP para sa Sining noong 1990.

Binawian ng buhay si Cesar Legaspi noong ika-7 ng Abril taong 1994, bagaman nananatili pa rin sa puso ng mga Pilipino ang kaniyang mga obra at talaga namang pinahahalagahan ang kaniyang naging ambag sa lipunan.

Basahin din: Pintados Festival
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...