Panitikan ng Pilipinas (Literature)

Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubòng panitikan. Subalit nakakasáma rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nása labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Kahulugan ng Panitikang Pilipino

May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina Jose Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba.

Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan.

Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.

Duwende

Duwende | Mitolohiyang Pilipino Ang Duwende ay maliit na nilalang na hindi nakikita ng mga karaniwang tao. Naninirahan...

Ang Maikling Kwento

Ang Maikling Kuwento – binaybay ding Maikling Kwento – ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o...

Ang Engkantada ng Makulot – Maikling Kwento

Ang Engkantada ng Makulot Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at matakutin...

Ang Elepante at ang mga Bulag – Maikling Kwento

Ang Elepante at ang mga Bulag Minsan isang hapong mainit ang araw, May anim na bulag, sa...

Ang Bulkang Taal – Maikling Kwento

Maikling Kwento Ang Bulkang Taal Ang Bulkang Taal Nahulog sa dagat...

Ang Ating mga Likas na Palantandaan – Maikling Kwento

Maikling Kwento Ang Ating mga Likas na Palantandaan Ang Ating mga Likas na Palantandaan

Ang Araw at ang Hangin – Maikling Kwento

Maikling Kwento Ang Araw at ang Hangin Ang Araw at ang Hangin Sino...

Ang Aral ng Damo – Maikling Kwento

Maikling Kwento Ang Aral ng Damo Ang Aral ng Damo May anghel na...

Salawikain / Kasabihan

Kawikaan, Kasabihan, Wikain, Sawikain at mga halimbawa. Ano ang Salawikain / Kasabihan? Ito ang salitang...

Pang-uri

Kahulugan, Uri, Antas at mga Halimbawa ng Pang-uri (Adjective). Ano ang Pang-uri?

Pandiwa

Kahulugan, Uri, Aspekto at mga Halimbawa ng Pandiwa (Verb). Ano ang Pandiwa? Ang...

Tinikling

Ang Tinikling ay nagmula sa Kabisayaan sa Lalawigan ng Leyte. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.

Popular articles