Home Ang Pilipinas Panitikan ng Pilipinas (Literature)

Panitikan ng Pilipinas (Literature)

Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubòng panitikan. Subalit nakakasáma rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nása labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Kahulugan ng Panitikang Pilipino

May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina Jose Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba.

Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan.

Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.

Halimbawa ng Mga Talumpati Tungkol sa Edukasyon

Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Edukasyon Edukasyon: Susi sa TagumpayEdukasyonEdukasyon: Pasaporte tungo sa tagumpayTalumpati na pang...

Halimbawa ng Mga Talumpati Tungkol sa Kabataan

Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kabataan Ang Kabataang Pilipino sa Makabagong PanahonAng Kabataan Noon at NgayonMaikling Talumpati...

Ang Bulkang Taal – Maikling Kwento

Maikling Kwento Ang Bulkang Taal Ang Bulkang Taal Nahulog sa dagat...

Mga Anyong Tubig (Bodies of Water)

Ang Mga Anyong Tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o...

Salawikain / Kasabihan

Kawikaan, Kasabihan, Wikain, Sawikain at mga halimbawa. Ano ang Salawikain / Kasabihan? Ito ang salitang...

Alamat ng Rambutan – Maikling Kwento

Alamat ng Rambutan at tauhan nito Mang KandoyAling PisingRabonaMatesaRodonaTandang Isko BASAHIN : Ika-6...

El Filibusterismo | Kasaysayan at mga Tauhan

Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Ito ay ang karugtong ng kaniyang unang nobela na...

Tinikling

Ang Tinikling ay nagmula sa Kabisayaan sa Lalawigan ng Leyte. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.

Buod ng Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay kabilang sa Panitikang Pilipino, ngunit ang akdang ito ay hindi nagmula sa Pilipinas. Ito ay tulad din...

Pang-uri

Kahulugan, Uri, Antas at mga Halimbawa ng Pang-uri (Adjective). Ano ang Pang-uri?

Pananaliksik

Ano ang Pananaliksik? Ayon kay Good - Ang pananaliksik ay isang maingat, mapanuri, disiplinadong pamamaraan ayon sa kalakasan at...

Mga Anyong Lupa (Lan formation)

Ang Mga Anyong Lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang...

Ang Araw at ang Hangin – Maikling Kwento

Maikling Kwento Ang Araw at ang Hangin Ang Araw at ang Hangin Sino...

Buod ng Florante at Laura

Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles, kasama na rin ang paggawa ng...

Ang Maikling Kwento

Ang Maikling Kuwento – binaybay ding Maikling Kwento – ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o...

Buod ng Banaag at Sikat

Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang Banaag at Sikat na isinulat ni Lope K. Santos. Basahin...

Popular articles