Home Ang Pilipinas Pambansang Sagisag ng Pilipinas (National Symbols)

Pambansang Sagisag ng Pilipinas (National Symbols)

Ang mga pambansang sagisag ng Pilipinas ay binubuo ng mga sagisag na kumakatawan sa mga tradisyon at ideolohiyang Pilipino at nagpapahiwatig ng mga prinsipyo ng soberanya at pambansang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino. Ang ilan sa mga simbolo na ito ay ang pambansang watawat, ang Great Seal, ang Sagisag ng Republika ng Pilipinas at pambansang salawikain na nakasaad sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, na kilala rin bilang Batas Republika 8491. Sa Saligang Batas ng Pilipinas, ang wikang Filipino ay nakasaad bilang pambansang wika ng Pilipinas. Bukod sa mga nakasaad na mga simbolo sa Saligang Batas at sa Batas Republika 8491, mayroon lamang anim na opisyal na pambansang simbolo ng Pilipinas na ipinatutupad sa pamamagitan ng batas, tulad ng sampaguita bilang pambansang bulaklak, narra bilang pambansang punong kahoy, ang agila ng Pilipinas bilang pambansang ibon, Pilipinas perlas bilang pambansang hiyas, arnis bilang pambansang sining at laro at ang Filipino Sign Language bilang pambansang sign language . Sa kabuuan, may labindalawang opisyal na pambansang simbolo ang isinabatas sa Pilipinas.

May mga simbolo na tulad ng kalabaw (pambansang hayop), mangga (pambansang prutas) at anahaw (pambansang dahon) na malawak na kilala bilang mga pambansang simbolo ngunit walang mga batas na kumikilala sa mga ito bilang opisyal na pambansang mga simbolo.  Ayon sa mga dalubhasa sa kasaysayan, kahit na si Jose Rizal na itinuturing na pambansang bayani ay hindi pa opisyal na nakadeklara bilang isang pambansang bayani sa anumang umiiral na batas ng Pilipinas.  Bagaman noong 2003, si Benigno Aquino, Jr ay opisyal na idineklara ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang isang pambansang bayani sa pamamagitan ng isang executive order.  Ang Pambansang Artist ng Pilipinas ay isang ranggo o isang titulo na iginagawad sa isang mamamayang Pilipino bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa mga sining at literatura ng Pilipinas at hindi sila itinuturing bilang pambansang simbolo na kumakatawan sa mga tradisyon at mithiin.

Mga listahan ng pambansang sagisag ng Pilipinas:

Pambansang Awit: Lupang Hinirang
Pambansang Bayani: Dr. Jose Rizal
Pambansang Hayop: Kalabaw / Water Buffalo
Pambansang Ibon: Agila / Philippine Eagle
Pambansang Isda: Bangus / Milkfish
Pambansang Prutas: Mangga / Mango
Pambansang Sayaw: Cariñosa
Pambansang Tirahan: Bahay Kubo / Nipa Hut
Pambansang Isport: Arnis
Pambansang Bulaklak: Sampaguita
Pambansang Dahon: Anahaw / Fan Palm
Pambansang Sapin sa Paa: Bakya
Pambansang Laro: Sipa
Pambansang Parke: Rizal Park
Pambansang Pagkain: Litsong Baboy / Suckling Pig
Pambansang Puno: Narra
Pambansang Wika: Tagalog
Pambansang mga Kasuotan:
sa Babae: Baro’t Saya
sa Lalaki: Barong Tagalog

Ang Pambansang Puno | Narra

Ang puno ng Narra ang tinaguriang "Pambansang Puno" at isang malaking puno na may taas na umaabot sa tatlumpu't tatlong metro...

Sampaguita | Ang Pambansang Bulaklak

Ang Sampaguita (Jasmin/Jasmine) sa ingles ay isang uri ng palumpong na may maliliit, mababango at mapuputing mga bulaklak.

Mangga | Ang Pambansang Prutas

Ang mangga o mango sa ingles ay kabilang sa genus Mangifera at tinaguriang Pambansang Prutas. Likas na matatagpuan ang mangga sa...

Araw ng Paggawa (Labor Day)

Ang Araw ng Paggawa ay ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Mayo bilang paggunita at pagpapahalaga sa mga manggagawa at anakpawis.

Bakya | Pambansang Sapin sa Paa

Ang Bakya ay isang katutubong sapin sa paa na yari sa kahoy ang suwelas at katad o tela ang kaluban. Ito...

Sipa | Ang Pambansang Laro

Ang Sipa ay isang uri ng larong panlibangan, o ang laro na ginagamitan ng isang bilog at pinisang piraso ng bakal...

Anahaw | Pambansang Dahon

Ang anahaw ay isang pabilog na dahon ng palma na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Kinilala ito bilang "Pambansang Dahon" at kasapi...

Ang Pambansang Wika | Tagalog

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa Pambansang Wika (National Language) Filipino, kasama nang...

Ang Pambansang Awit | Lupang Hinirang

Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik...

Araw ng Kalayaan | Kasaysayan

Ang Araw ng Kalayaan o Araw ng Kasarinlan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing sasapit ang...

Arnis | Ang Pambansang Isport

Ang arnis o tinatawag ding kali/eskrima ay ang tinaguriang Pambansang Isport ng Pilipinas. Ito rin ay katutubong sining ng pakikidigma...

Baro’t saya | Ang Pambansang Kasuotan ng Kababaihan

Ang Baro't saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot lamang ng mga kababaihan. Ang pangalay nay nagmula...

Ang Pambansang Bayani | Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala bilang Pepe ay ang Pilipinong Pambansang Bayani ng...

Camp Aguinaldo | Kasaysayan

Ang Camp Aguinaldo o Kampo Aguinaldo ay ang pambansang headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matatagpuan sa EDSA,...

Litsong Baboy | Ang Pambansang Pagkain

Ang Litsong Baboy o Lechon Baboy sa Kastila at Suckling Pig naman sa Ingles ay isang inihaw na buong baboy. Ito...

Ang Pambansang Hayop | Kalabaw

Ang Kalabaw ang tinaguriang Pambansang Hayop ng Pilipinas (National Animal of the Philippines), isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o...

Popular articles