Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Francisco Feliciano | Talambuhay

Si Francisco Feliciano ay isang Pilipinong kompositor at isa sa mga mahusay na kompositor sa Pilipinas at kilala rin sa Asya...

Ginaw Bilog | Talambuhay

Si Ginaw Bilog ay isang Pilipinong Makata gamit ang wika ng mga Mangyan na kung tawagin ay Hanunuo, siya ay matatagpuan...

Teofilo Garcia | Talambuhay

SI Teofilo Garcia ay ang pangunahing kinikilala bilang manlilikha ng tabungaw sa bayan ng Abra at dahil dito ay ginawaran siya...

Carlos Francisco | Talambuhay

Si Carlos Francisco o mas kilala sa tawag na Botong Francisco ay isang muralista at kinilala rin siya bilang Pambansang Alagad...

Magdalena Gamayo | Talambuhay

Si Magdalena Gamayo o kilala rin sa tawag na Lola Magdalena ay isang mahusay na Pilipinong maghahabi at matatagpuan siya sa...

Manolo Fortich | Talambuhay

Si Manuel "Manolo" Fortich Sr. ay isa sa mga naging opisyal ng Hukbong Pamayapa ng Pilipinas at siya ang naging unang...

Jihad | Kasaysayan

Ang jihad ay isang banal na pakikidigma ng mga Muslim na nagsimula sa wikang Arabe na Mulaitosa na nangangahulugang "pagpupunyagi".

Bolo | Kasaysayan

Ang bolo o itak ay isang malaking kagamitan para sa pagputol na nagmula sa Pilipinas. Kadalasan ito ginagamit sa mga gubat...

Bodabil | Kasaysayan

Ang bodabil ay isang uri ng samu't-saring libangan na laganap sa mga entablado ng Estados Unidos at Canada magmula pa noong...

Iglesia Filipina Independiente | Kasaysayan

Ang Iglesia Filipina Independiente ay isang denominasyon ng pananampalataya o paniniwala na may kahalintulad sa tradisyon ng Romano Katoliko.

Araro | Kasaysayan

Ang araro o pag-aararo ay isang pangunahin at tradisyonal na kasangkapan sa pagsasaka. Ginagawa ito upang magbungkal ng malaking piraso ng...

Panatang Makabayan | Kasaysayan

Ang Panatang Makabayan ay ang pambansang panunumpa ng mga Pilipino sa watawat ng Pilipinas na binibigkas ng mga mamamayan matapos awitin...

Bahay na Bato | Kasaysayan

Ang Bahay na Bato ay isang malaking bahay ng mga mariwasang pamilya noong panahon ng kolonyalismong Español. Karaniwan itong makikita sa...

Darhata Sawabi | Talambuhay

Si Darhata Sawabi ay isang Pilipinang mahusay maghabi na tulad din ni Salinta Monon, ginawaran din siya ng Gawad Manlilikha ng...

Jovita Fuentes | Talambuhay

Si Jovita Fuentes ay isang Pilipinang soprano na mang-aawit at tinaguriang prima donna ng musika. Ginawaran din siya ng Gawad Pambansang...

Francisco Santiago | Talambuhay

Si Francisco Santiago ay isang Pilipinong kompositor, musikero ng walang kamatayang awiting Pakiusap. Tinatawag din siya bilang Ama ng Kundiman.

Popular articles