Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Cesar Legaspi | Talambuhay

Si Cesar Legaspi ay isang Pilipinong Pintor, direktor na siyang kinilala at tinaguriang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1990.

Vicente Lim | Talambuhay

Si Vicente Lim ay ang unang Pilipinong nakapagtapos sa Akademyang West Point sa Estados Unidos at siya ay isang martir at...

Lang Dulay | Talambuhay

Si Lang Dulay ay isang Pilipinong maghahabi gamit ang tradisyonal na pamamaraan ng paggawa ng T'nalak—isang telang tinina na nagmula sa...

Epifanio de los Santos | Talambuhay

Si Epifanio de los Santos ay isang mananaggol, mamamahayag, mananalaysay, manunulat, at isang iginagalang na historyador at iskolar sa bansang Pilipinas.

Levi Celerio | Talambuhay

Si Levi Celerio ay isang Pilipinong Kompositor at tinaguriang "Makata ng Musikang Pilipino" at isang manunulat ng lirika ng mga awit,...

Lino Brocka | Talambuhay

Si Catalino Ortiz Brocka na mas kilala sa pangalang Lino Brocka ay isa sa mga pinakamahusay na direktor sa Pilipinas, siya...

Jose Palma | Talambuhay

Si Jose Palma ay isang makata at sundalong Pilipino at naging tanyag dahil sa pagsulat niya ng Filipinas—na naging titik ng...

Bungkaka | Kasaysayan

Ang bungkaka ay isang instrumentong pangmusikal na gawa sa isang tubo ng kawayan na karaniwang makikita sa Hilagang Luzon.

Victoria | Kasaysayan

Ang Victoria ay ang sikat na sasakyang pandagat na nakaikot sa mundo. Isa ito sa limang barko na ginamit ni Ferdinand...

Sandiganbayan | Kasaysayan

Ang Sandiganbayan ay ang natatanging hukuman na naglilitis sa mga kriminal at sibil na kaso ng katiwalian na ginawa ng mga...

Quiapo | Kasaysayan

Ang Quiapo ay isang distrito na matatagpuan sa Lungsod ng Maynila. Ang salitang ito ay nagmula sa pangalan ng isang akwatikong...

Manila Hotel | Kasaysayan

Ang Manila Hotel ay isang makasaysayang gusali na matatagpuan sa tabi ng Look Maynila sa Roxas Blvd. Ito ang pinakamatandang premyadong...

La Independencia | Kasaysayan

Ang La Independencia ay ang pinakatanyag at pinakamahalagang pahayagang lumaganap upang pukawin ang damdaming Pilipino sa paghihimagsik laban sa España.

Hospicio de San Jose | Kasaysayan

Ang Hospicio de San Jose ay ang kauna-unahang Katolikong Institusyong pangkawang-gawa sa Pilipinas na itinatag noong 1778 para makatulong sa mga...

San Juan de Dios Hospital | Kasaysayan

Ang San Juan de Dios Hospital ay isang pinakamatandang ospital sa Pilipinas. Kilala na ito ngayon bilang San Juan de Dios...

Lazaro Francisco | Talambuhay

Si Lazaro Francisco ay isang kilalang nobelista ng ika-20 siglo at itinuturing na isa sa matibay na haligi ng Panitikang Pilipino.

Popular articles