Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Libingan ng mga Bayani | Kasaysayan

Ang Libingan ng mga Bayani ay matatagpuan sa Fort Bonifacio Military Reserve. Ito ay isinagawa noong taong 1947 sa pangunguna ni...

F Sionil Jose | Talambuhay

Si Francisco Sionil Jose o mas kilala sa tawag na F Sionil Jose ay isang peryodista, manunulat ng nobela, maikling kwento,...

Isabelo de los Reyes | Talambuhay

Si Isabelo de los Reyes isang peryodista, lider obrero, at kinikakang Ama ng Unyonismo sa Pilipinas. Tinagurian din siyang Ama ng...

Fe del Mundo | Talambuhay

Si Fe del Mundo ay isa sa pinakamagagaling na manggagamot ng bata sa Pilipinas. Tinagurian din siyang Dakilang Lakambini ng Pedyatriyang...

Gregoria de Jesus | Talambuhay

Si Gregoria de Jesus ay ang tinaguriang Lakambini ng Katipunan at ang ikalawang asawa ni Andres Bonifacio. Kilala rin siya sa...

Pablo Antonio | Talambuhay

Si Pablo Antonio ay isang tanyag na Pilipinong arkitekto at kinilala siya bilang isa sa mga natatanging arkitektong modernista noong kaniyang...

Teodora Alonso Realonda | Talambuhay

Si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos o mas kilala bilang Teodora Alonso ay ang ina at naging unang guro ng...

Napoleon Abueva | Talambuhay

Si Napoleon Abueva ay isang tanyag na Pilipinong iskultor dito sa Pilipinas. Itinuturing din siya bilang Ama ng Makabagong Iskultura ng...

Fort Bonifacio | Kasaysayan

Ang Kutang Bonifacio o Fort Bonifacio sa wikang Ingles ay maaaring tumukoy sa pambansang Headquarters ng Philippine Army o sa Bonifacio...

Fort Pilar | Kasaysayan

Ang Fort Pilar ay isang moog na matatagpuan sa Lungsod Zamboanga na itinayo ng Heswitang paring si Padre Melchor de Vera...

Ilog Pasig | Kasaysayan

Ang Ilog Pasig o Pasig River sa wikang Ingles ay isang ilog sa Pilipinas na dumadaloy mula sa Laguna de Bay...

The Manila Times | Kasaysayan

Ang The Manila Times ay isa sa pinakamatandang pahayagan sa Pilipinas—kung saan nakasulat sa wikang Ingles ang mga nilalaman o artikulo...

Aguinaldo Shrine | Kasaysayan

Ang Dambanang Aguinaldo o Aguinaldo Shrine sa wikang Ingles ay isang pambansang dambana ng Republika ng Pilipinas—na tumutukoy sa bahay ni...

Juan Luna Shrine | Kasaysayan

Ang Dambanang Juan Luna (Juan Luna Shrine sa wikang Ingles) ay ang rekonstruksiyon ng bahay na sinilangan ni Luna noong ika-24...

Violin (Biyolin) | Kasaysayan

Ang biyolin o violin sa wikang Ingles ay isang uri ng instrumentong pangmusikal na may apat na kuwerdas at pinapatunog sa...

Juan Nakpil | Talambuhay

Si Juan Nakpil ay isa sa mga pinakamahusay na Pilipinong Arkiteko sa Pilipinas. Siya ay hinirang bilang unang Pambansang Alagad ng...

Popular articles