Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Bakya | Pambansang Sapin sa Paa

Ang Bakya ay isang katutubong sapin sa paa na yari sa kahoy ang suwelas at katad o tela ang kaluban. Ito...

Sampaguita | Ang Pambansang Bulaklak

Ang Sampaguita (Jasmin/Jasmine) sa ingles ay isang uri ng palumpong na may maliliit, mababango at mapuputing mga bulaklak.

Traslacion | Pista ng Itim na Nazareno

Ang Pista ng Itim na Nazareno o tinatawag ding Traslacion ay taun-taon idinaraos ng mga Pilipinong deboto tuwing ika-9 na araw...

Arnis | Ang Pambansang Isport

Ang arnis o tinatawag ding kali/eskrima ay ang tinaguriang Pambansang Isport ng Pilipinas. Ito rin ay katutubong sining ng pakikidigma...

Anahaw | Pambansang Dahon

Ang anahaw ay isang pabilog na dahon ng palma na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Kinilala ito bilang "Pambansang Dahon" at kasapi...

Bahay Kubo | Ang Pambansang Tirahan

Ang Bahay Kubo (nipa hut sa ingles) o kubo lamang ay isang katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas. Ito'y tinagurian rin...

Cariñosa | Ang Pambansang Sayaw

Ang Cariñosa o carinosa ay isa uri ng panrarahuyong sayaw sa buong Kapuluan ng Pilipinas na nagmula rin sa Espanya. Ito...

Mangga | Ang Pambansang Prutas

Ang mangga o mango sa ingles ay kabilang sa genus Mangifera at tinaguriang Pambansang Prutas. Likas na matatagpuan ang mangga sa...

Bangus | Ang Pambansang Isda

Ang bangus o sa ingles ay "milkfish" ay tinaguriang "Ang Pambansang Isda", ito ay isang uri ng isda na maraming tinik...

Agimat

Agimat | Mitolohiyang Pilipino Ang agimat o mas kilala rin bilang anting-anting ay isang sistemang Pilipino ng...

Biag ni Lam ang

Biag ni Lam ang | Mitolohiyang Pilipino Ang Biag ni Lam ang o sa tagalog (Buhay ni...

Sarimanok

Sarimanok | Mitolohiyang Pilipino Ano ang Sarimanok? Ang sarimanok ay isang maalamat na...

Sigbin

Sigbin | Mitolohiyang Pilipino Mula sa mitolohiya ng Pilipinas, ang sigbin ay isang kakaibang uri ng hayop...

Diwata

Diwata | Mitolohiyang Pilipino Ayon sa mitolohiya ng Pilipinas, ang diwata ay isang katauhan na katulad ng...

Mambabarang

Mambabarang | Mitolohiyang Pilipino Ayon sa Mitolohiyang Pilipino, ang mangbabarang ay isang uri ng mangkukulam na gumagamit...

Siyokoy

Siyokoy | Mitolohiyang Pilipino Ang Siyokoy ay isang nilalang na kung saan ay mga kasapi ng bantay...

Popular articles