Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Florante at Laura | Kasaysayan at mga Tauhan

Ang Florante at Laura ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino na isinulat ni Francisco Baltazar o mas kilala bilang Francisco Balagtas.

Barayti ng Wika | Panitikan ng Pilipinas

Atin munang kilalanin ang ang Heterogenous na Wika at Homogeneous na Wika bago natin talakayin ang barayti ng wika.

Panghalip | Mga Uri ng Panghalip at Halimbawa

Ano ang Panghalip? Ang Panghalip ay ang salitang humahalili o nagmimistulang pamalit sa ngalan o pangngalan na...

Mga Uri ng Tayutay at mga Halimbawa | Panitikan ng Pilipinas

Ating tatalakayin ang bawat depenisyon ng mga uri ng tayutay, bago ang lahat marapat lamang na basahin muna ang kahulugan ng tayutay.

Tayutay At Ang Mga Uri Nito | Panitikan ng Pilipinas

Ano ang Tayutay? Ang tayutay o "figure of speech" sa ingles ay isang salita o pahayag na...

Buod ng El Filibusterismo

Nang maisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere, nasundan ito ng ikalawa niyang isinulat sa pamagat na El Filibusterismo. Basahin ang...

El Filibusterismo | Kasaysayan at mga Tauhan

Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Ito ay ang karugtong ng kaniyang unang nobela na...

Buod ng Noli Me Tangere

Makasaysayan ang nobelang isinulat ni Jose Rizal para sa mga Pilipino at nagbigay ng napakahalagang aral para sa atin. Basahin ang...

Noli Me Tangere | Kasaysayan at mga Tauhan

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, nailathala ito noong 1887...

Bugtong Tagalog | Mga Halimbawa

Madaming bugtong tagalog o palaisipang tanong ang umusbong sa Pilipinas. Ang mga bugtong ay nagpapatalas sa kaisipan ng mga taong naglalaro...

Bugtong Tagalog

Ang Bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.

Barong Tagalog | Ang Pambansang Kasuotan ng Kalalakihan

Ang Barong Tagalog ay ang burdadong pormal na kasuotan sa Pilipinas. Tinagurian itong "Ang Pambansang Kasuotan" ng mga kalalakihan at baro't...

Baro’t saya | Ang Pambansang Kasuotan ng Kababaihan

Ang Baro't saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot lamang ng mga kababaihan. Ang pangalay nay nagmula...

Litsong Baboy | Ang Pambansang Pagkain

Ang Litsong Baboy o Lechon Baboy sa Kastila at Suckling Pig naman sa Ingles ay isang inihaw na buong baboy. Ito...

Rizal Park | Ang Pambansang Parke

Ang Liwasang Rizal o mas kilala sa ingles na Rizal Park ay isang makasaysayang lunsuring liwasan na nasa puso ng Lungsod...

Sipa | Ang Pambansang Laro

Ang Sipa ay isang uri ng larong panlibangan, o ang laro na ginagamitan ng isang bilog at pinisang piraso ng bakal...

Popular articles