Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Alejandro Roces | Talambuhay

Si Alejandro Roces ay isang Pilipinong manunulat ng maikling kwento, sanaysay, peryodista, at isa rin siyang opisyal sa gobyerno ng Pilipinas.

Ildefonso Santos | Talambuhay

Si Ildefonso Santos Jr. ay isang Pilipinong arkitekto na kinilala sa pagiging Ama ng Modernong Arkitekturang Landscape sa Pilipinas.

Ramon Obusan | Talambuhay

Si Ramon Obusan ay isang Pilipinong mananayaw, koreograpo, nagdidisenyo ng entablado at direktor ng sining. Isa rin siyang archivist at mananaliksik.

Carlos Quirino | Talambuhay

Si Carlos Quirino ay isang Pilipinong manunulat ng talambuhay. Kinilala rin siya dahil sa pagsulat niya ng pinakamatandang talambuhay ni Jose...

Eduardo Quisumbing | Talambuhay

Si Eduardo Quisumbing ay isang Pilipino na pinakamahusay na botaniko at taksonomista ng Pilipinas. Kinilala rin siya bilang Ama ng Pag-aaral...

Arturo Luz | Talambuhay

Si Arturo Luz ay isang Pilipinong eskultor at pintor na nakilala dahil sa kaniyang minimalista subalit magarang mga pintura at eskultura...

Vicente Manansala | Talambuhay

Si Vicente Manansala ay isang Pilipinong mahusay sa larangan ng pagpipinta dito sa Pilipinas. Bahagi rin siya ng tinaguriang Thirteen Moderns.

Bienvenido Lumbera | Talambuhay

Si Bienvenido Lumbera ay isang Pilipinong makata, libretista, kritiko, dramatista, makabayan, at iskolar ng Pilipinas na may maraming napanalunan.

Leandro Locsin | Talambuhay

Si Leandro Locsin ay isang Pilipinong mahusay at modernistang arkitekto, musikero, patron ng sining, at kilalang eksperto sa pottery na Chino...

Jose Garcia Villa | Talambuhay

Si Jose Garcia Villa ay isang Pilipinong makata, kritiko, mangangatha, at kabilang sa unang henerasyon ng mga Pilipinong manunulat sa wikang...

Writ of Amparo | Kasaysayan

Ang writ of amparo o recurso de amparo sa wikang Español ay nagsisilbing proteksiyon sa karapatan ng taong sang-ayon sa Saligang...

Ambuklao Dam | Kasaysayan

Ang saplad ng Ambuklao o Ambuklao Dam sa wikang Ingles ay isang malaking dam na matatagpuan sa kabundukan ng Bokod, Benguet,...

Angat Dam | Kasaysayan

Ang saplad ng Angat o Angat Dam sa wikang Ingles ay isang sagka o pangharang at imbakan ng tubig sa Pilipinas...

Doctrina Christiana | Kasaysayan

Ang Doctrina Christiana en lengua española y tagala o mas kilala sa tawag na Doctrina Christiana ay ang kauna-unahang aklat...

Bundok Banahaw | Kasaysayan

Ang Bundok Banahaw o Mount Banahaw sa wikang Ingles ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matatagpuan sa hangganan ng mga...

Banaue Rice Terraces | Kasaysayan

Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe o Banaue Rice Terraces sa Ingles ay umaabot sa 2000 taong gulang na hagdanang taniman na...

Popular articles