Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Ang Pambansang Awit | Lupang Hinirang

Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik...

Ang Pambansang Hayop | Kalabaw

Ang Kalabaw ang tinaguriang Pambansang Hayop ng Pilipinas (National Animal of the Philippines), isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o...

Mga Taong Tabon | Pilipinas

Ang labi ng mga Taong Tabon ay nahukay sa Kuwebang Tabon sa Lipuun Point sa Quezon, Palawan, Pilipinas noong ika-28 ng...

Rizal | Ang Araw ng Pagbomba

Madugo ang naganap noong 30 Disyembre 2000, naitaon ang pambobomba sa anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal. Wala sa ideya...

Batas Militar 1972 | Pilipinas

Sa ilalim ng pamamahala ni dating Pangulo Ferdinand Marcos, idineklara niya ang Batas Militar noong 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg....

Ferdinand Magellan | Pagtuklas sa Pilipinas

Ang Pilipinas ay unang natuklasan ni Ferdinand Magellan noong ika-16 ng Marso 1521. Isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa...

Intramuros | Nagsasanggalang na Pader

Ang Intramuros ay tinawag na "nagsasanggalang na pader" o "sa loob ng pader" ay ang makasaysayang napapaderang lungsot at pinakamatandang distrito...

Labanan sa Mactan | Pilipinas

Ang Labanan sa Mactan ay naganap sa Pilipinas noong 27 Abril 1521. Panahong dumating si Ferdinand Magellan sa Sugbu na ngayo'y...

Labanan sa Pasong Tirad | Pilipinas

Ang Labanan sa Pasong Tirad ay isa sa mga labanan ng Pilipino at Amerikano kung saan ang namuno sa mga Pilipino...

Panahon ng mga Amerikano | Pilipinas

Ang Pilipinas ay sinakop noong panahon ng mga Amerikano, isang pagbabalat-kayo na sa umpisa ay nagkukunwaring mga tagapagligtas ng kalayaan ng...

Pananakop ng mga Hapones (Japanese occupation of the Philippines)

Ang Pananakop ng mga Hapones ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula noong 1942 hanggang 1945, kasagsagan ng Ikalawang Digmaang...

Bataan Death March (Martsa ng Kamatayan sa Bataan)

Ang Bataan Death March ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 70,000 na bilanggo ng digmaan na binubuo ng mga Filipino...

Ang Komonwelt ng Pilipinas (Commonwealth of the Philippines)

Ang Komonwelt ng Pilipinas ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas mula noong 1935 hanggang 1946 at tinatawag din na 1935...

Ang Kolonya ng Espanya (Spanish colonization in the Philippines)

Ang Kolonya ng Espanya ay ang permanenteng paninirahan na naitatag lamang noong 1565 nang makarating ang ekspedisyon na pinamumunuan ni Miguel...

Rebolusyong EDSA ng 1986 (EDSA Revolution)

Ang Rebolusyong EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula 22 Pebrero hanggang...

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay ang armadong hidwaan sa pagitan ng Unang Republikang Pilipino at ng Estados Unidos na tumagal mula 4...

Popular articles