Home Ang Pilipinas

Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Bugtong Tagalog Part 2

Bugtong Tagalog part 2 marahil marami sainyo ang nabasa na ang bugtong tagalog part 1, at dahil sa gusto namin na...

Ati Atihan Festival | Kasaysayan

Ang Ati Atihan Festival ay isang pista tuwing ikalawang linggo ng Enero sa bayan ng Kalibo, Aklan at sinundan din ng...

Rapunzel – Maikling Kwento

Ang kwento ng Rapunzel ay nagsimula noong unang panahon may mag asawang gusto mag ka-anak, sa likod ng kanilang tahanan ay...

Araro | Kasaysayan

Ang araro o pag-aararo ay isang pangunahin at tradisyonal na kasangkapan sa pagsasaka. Ginagawa ito upang magbungkal ng malaking piraso ng...

Alejandro Roces | Talambuhay

Si Alejandro Roces ay isang Pilipinong manunulat ng maikling kwento, sanaysay, peryodista, at isa rin siyang opisyal sa gobyerno ng Pilipinas.

Alamat ng Bigas – Maikling Kwento

Dagdag kaalaman sa Alamat ng Bigas Ang bigas ay isang karaniwang kataga para sa kiniskis na palay na tinanggal ang ipa, darak,...

Tinikling

Ang Tinikling ay nagmula sa Kabisayaan sa Lalawigan ng Leyte. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.

Ang Araw at ang Hangin – Maikling Kwento

Maikling Kwento Ang Araw at ang Hangin Ang Araw at ang Hangin Sino...

Jose Burgos | GOMBURZA

Si Padre Jose Burgos ay isang lider ng kilusang sekularisasyon, iskolar, manunulat, at kabilang siya sa tatlong paring martir na kung...

Alamat ng Paniki – Maikling Kwento

Dagdag kaalaman sa Alamat ng Paniki. Ang kulapnit o paniki sa Filipino ay isang lumilipad na mamalya sa order ng Chiroptera na may braso na naging pakpak....

Alamat ng Unggoy – Maikling Kwento

Ang Alamat ng Unggoy at tauhan nito MaraKarim Noong unang panahon, may mag inang...

Siomai | Panlasang Pinoy

Ang siomai ay isa sa mga pagkain ng mga Intsik na kinahiligan at nakaugalian na nating mga Pilipino na kainin. Patok...

Balarila | Panitikan ng Pilipinas

Ang balarila ay isang salitang hango sa wikang Español na nangangahulugang gramatica, at grammar naman sa Ingles. Ito ay ang pag-aaral...

Barayti ng Wika | Panitikan ng Pilipinas

Atin munang kilalanin ang ang Heterogenous na Wika at Homogeneous na Wika bago natin talakayin ang barayti ng wika.

Alamat ng Pagong – Maikling Kwento

Alamat ng Pagong at dagdag kaalaman. Alam nyo ba na ang pinakamalaking Pagong na nabuhay sa mundo...

Huseng Batute | Jose Corazon de Jesus

Si Jose Corazon de Jesus o mas kilala sa bansag na Huseng Batute ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga...

Popular articles