Home Ang Pilipinas

Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Halimbawa ng Mga Talumpati Tungkol sa Edukasyon

Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Edukasyon Edukasyon: Susi sa TagumpayEdukasyonEdukasyon: Pasaporte tungo sa tagumpayTalumpati na pang...

Halimbawa ng Mga Talumpati Tungkol sa Kabataan

Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kabataan Ang Kabataang Pilipino sa Makabagong PanahonAng Kabataan Noon at NgayonMaikling Talumpati...

Ang Pambansang Bayani | Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala bilang Pepe ay ang Pilipinong Pambansang Bayani ng...

Labanan sa Pasong Tirad | Pilipinas

Ang Labanan sa Pasong Tirad ay isa sa mga labanan ng Pilipino at Amerikano kung saan ang namuno sa mga Pilipino...

Salawikain / Kasabihan

Kawikaan, Kasabihan, Wikain, Sawikain at mga halimbawa. Ano ang Salawikain / Kasabihan? Ito ang salitang...

Buod ng Banaag at Sikat

Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang Banaag at Sikat na isinulat ni Lope K. Santos. Basahin...

Buod ng Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay kabilang sa Panitikang Pilipino, ngunit ang akdang ito ay hindi nagmula sa Pilipinas. Ito ay tulad din...

Labanan sa Mactan | Pilipinas

Ang Labanan sa Mactan ay naganap sa Pilipinas noong 27 Abril 1521. Panahong dumating si Ferdinand Magellan sa Sugbu na ngayo'y...

Alamat ni Juan Tamad – Maikling Kwento

Dagdag kaalaman tungkol sa Alamat ni Juan Tamad Si Juan Tamad ay isang tauhan sa mga kuwentong bayan. Kadalasang inilalarawan bilang...

Mga Anyong Tubig (Bodies of Water)

Ang Mga Anyong Tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o...

El Filibusterismo | Kasaysayan at mga Tauhan

Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Ito ay ang karugtong ng kaniyang unang nobela na...

Bantas | Wastong Paggamit

Ang mga bantas ay mga simbolo na humahalili sa tama at wastong pagintindi ng mga teksto. Ito ay ginagamit sa paglilinaw...

Ang Komonwelt ng Pilipinas (Commonwealth of the Philippines)

Ang Komonwelt ng Pilipinas ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas mula noong 1935 hanggang 1946 at tinatawag din na 1935...

Ang Bulkang Taal – Maikling Kwento

Maikling Kwento Ang Bulkang Taal Ang Bulkang Taal Nahulog sa dagat...

Panahon ng mga Amerikano | Pilipinas

Ang Pilipinas ay sinakop noong panahon ng mga Amerikano, isang pagbabalat-kayo na sa umpisa ay nagkukunwaring mga tagapagligtas ng kalayaan ng...

Pang-uri

Kahulugan, Uri, Antas at mga Halimbawa ng Pang-uri (Adjective). Ano ang Pang-uri?

Popular articles