Home Ang Pilipinas

Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Carriedo | Kasaysayan

Ang Carriedo ay dating isang maningning na lugar sa distrito ng Sta. Cruz, Maynila at paboritong pasyalan ng mga tao. Ito...

Camp Aguinaldo | Kasaysayan

Ang Camp Aguinaldo o Kampo Aguinaldo ay ang pambansang headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matatagpuan sa EDSA,...

Cagsawa | Kasaysayan

Ang Cagsawa o Guhong Cagsawa ay ang guhong natirang tore at ilang bato ng Simbahang Katolika na natabunan ng lava nang...

Pedro Calungsod | Ikalawang Santong Pilipino

Si Pedro Calungsod ay ang ikalawang santong Pilipino sa Simbahang Katolika at opisyal siyang naging kanonisado noong ika-21 ng Oktubre taong...

Jacinto Zamora | GOMBURZA

Si Padre Jacinto Zamora ay isang Pilipinong paring sekular na kilala sa kasaysayan bilang bahagi ng tatlong paring martir, ang GOMBURZA.

Jose Burgos | GOMBURZA

Si Padre Jose Burgos ay isang lider ng kilusang sekularisasyon, iskolar, manunulat, at kabilang siya sa tatlong paring martir na kung...

Mariano Gomez | GOMBURZA

Si Padre Mariano Gomez y Guard ay isinilang noong ika-2 ng Agosto taong 1799 sa Santa Cruz, Maynila. Siya ay isang...

Comelec | Kasaysayan

Ang Commission on Elections o Comelec ay ang opisina ng pamahalaang naatasang magpatupad ng mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis...

Batasang Pambansa | Kasaysayan

Ang Batasang Pambansa ay ang tinatawag sa sangay ng gobyerno na gumagawa ng batas ng Pilpinas noong panahon ng Batas Militar...

Araw ng Paggawa (Labor Day)

Ang Araw ng Paggawa ay ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Mayo bilang paggunita at pagpapahalaga sa mga manggagawa at anakpawis.

Gabbang | Kasaysayan

Ang gabbang o gambang ay isang saylopong kawayan ng mga Tausug. Pinatutunog ito sa pamamagitan ng pagpupukpok ng martilyo na gawa...

Tambol (Drum) | Kasaysayan

Ang tambol o drum sa Ingles ay isang uri ng instrumentong musikal at popular na kagamitang pangmusika na ginagamitan ng kamay...

Bandurria | Kasaysayan

Ang bandurya o bandurria sa wikang Ingles ay isang uri ng maliit na gitara. Tinatawag na bandurista ang tumutugtog ng bandurya...

Octavina | Kasaysayan

Ang oktabina o oktabinang Pilipino (octavina sa Ingles) ay isang Pilipinong instrumentong nasa anyo ng klasikal na gitara at may pagkakahalintulad...

Agung | Kasaysayan

Ang agung o bua ay isang pares ng nakasabit na gong. Ito ay may bilog na nakaumbok sa gitnang bahagi nito...

Kudyapi | Kasaysayan

Ang kudyapi ay isang intrumentong pangmusika na nagmula sa Mindanao at kadalasang tinatawag na boat-lute. Ito ay may halintulad sa pinahabang...

Popular articles