Carriedo

Ang Carriedo ay dating isang maningning na lugar sa distrito ng Sta. Cruz, Maynila at paboritong pasyalan ng mga tao. Ito ay isa rin sa estasyon ng LRT.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, na ang Carriedo ay dating isang magandang pasyalan na kung saan ay ang mga may kaya sa buhay at karaniwang tao ay nagkakasalamuha sa isa’t-isa upang mamili.

Sa kasalukuyan, kilala na lamang ito bilang isa sa mga estasyon ng LRT dahil natatakpan na ito ng mataas na daanan ng tren.

Ang Carriedo ay bahagi ng dating sentro ng kalakalan sa Maynila. Dito rin matatagpuan ang simbahan ng Quiapo na kilala sa selebrasyon ng pista ng itim na Nazareno; ang Escolta na dating sentro ng negosyo; at ang Ongpin na para sa kalak ng mga negosyanteng Intsik.

Basahin: Jose Abad Santos

Ang Carriedo ay ipinangalan kay Don Francisco Carriedo y Peredo, siya ay isang EspaƱol na nagmula sa Santander na nanirahan sa Pilipinas noong ika-18 na siglo at naging bantog sa kaniyang kawanggawa o obras pias.

Sa kaniyang huling habilin at testamento, iniwan niya ang malaking halaga para sa pag-tatayo ng sistema ng gawaing-pantubig sa lungsod ng Maynila. Ang inisyatibang ito ay kialal bilang Carriedo Legacy.

Noong bago sumapit ang taong 1878, walang sistemang pantubig na ginagamit ang mga mamamayan sa siyudad. Ang mga estero at ilog lamang ang pinagkukunan ng tubig para inumin, ipanlaba, at ipanligo.

Mula sa tulong na pondong iniwan ni Don Francisco, itinatag ng dating gobernador na si Domingo Moriones ang sistema ng patubig noong ika-20 na siglo at tinawag na Manila Waterworks.

Bilang pag-alala dito, isang fountain ang itinayo sa panukulan ng kalye Legarda, Nagtahan, at Magsaysay sa Sampaloc.

Basahin din: Kasaysayan ng Baguio
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...