Carlos Romulo

Si Carlos Romulo ay isang Pilipinong manunulat, mamamayahag, politiko, at sundalo. Kinilala rin siya dahil sa pagtatag ng Boy Scouts of the Philippines.

Ipinanganak siya noong ika-14 ng Enero taong 1899 sa bayan ng Camiling, Tarlac. Nakapag-aral siya sa Manila High School at nakamit niya ang kaniyang Batsilyer sa Sining sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1918.

Ipinagpatuloy ni Carlos P. Romulo ang kaniyang pag-aaral Columbia University at nakuha ang Master of Arts noong 1921.

Basahin: Libingan ng mga Bayani

Bilang isang politiko, naglingkod siya magmula kay Pangulong Manuel L. Quezon hanggang kay Pangulong Ferdinand Marcos bilang isang kinatawan ng Pilipinas sa Estados Unidos at United Nations.

Sa kaniyang karera bilang kinatawan sa United Nations, isang malakas na tagapagsalita si Carlos Romulo patungkol sa karapatang pantao, kalayaan, at pananakop.

Naging kalihim din ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas si Carlos Romulo—gabinete ni Pangulong Elpidio Quirino noong 1950 hanggang 1952, kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas mula 1962 hanggang 1968, at naging kasapi ng Batasang Pambansa.

Silipin din: Sandiganbayan

Bilang isang manunulat, sa pangkalahatan ay sumulat at naglimbag siya ng labing-walong aklat at kasama na rito ang The United, I Walked with Heroes, I Saw the Fall of the Philippines, Mother America, at I See the Philippines Rise.

Ginawaran siya ng Hukbo ng Estados Unidos ng Purple Heart at Silver Star Para sa kaniyang serbisyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nagkamit din siya ng Republic Cultural Heritage Award noong 1965, Rizal Pro Patria Award noong 1971, at iginawad din sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1982.

Basahin din: Maguindanao Massacre
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...