Carlos Quirino

Si Carlos Quirino ay isang Pilipinong manunulat ng talambuhay. Kinilala rin siya dahil sa pagsulat niya ng pinakamatandang talambuhay ni Jose Rizal.

Isinilang siya noong ika-14 ng Enero taong 1910. Nakapag-aral siya sa University of Wisconsin sa kursong Batsilyer sa Sining sa Peryodismo.

Ang kaniyang mga aklat at artikulo ay sumasaklaw sa kasaysayan at kalinangan ng Pilipinas. Unang naging bantog ang pangalang Carlos Lozada Quirino bilang manunulat ng talambuhay ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Quezon Man of Destiny noong 1935.

Basahin: Jose Burgos

Siya rin ang may akda ng maraming sanaysay at talambuhay tulad ng The Great Malayan—ang tinuturing niyang pinakamatandang talambuhay ng ating pambansang bayani.

Si Carlos Quirino din ang sumulat ng aklat na pinamagatang Lives of the Philippine Presidents noong 1952, Magsaysay of the Philippines na naisulat niya noong 1958, Maps and Views of Old Manila noong 1971, at marami pang iba.

Natatangi rin at umani ng iba’t-ibang parangal ang kaniyang isinulat na aklat na pinamagatang Philippine Cartography. Nagsilbi siyang direktor ng National Libraty noong 1961 sa panahon ni Pangulong Diosdado Macapagal at naging tagapagtatag ng curator, at direktor ng Ayala Archives.

Nakatanggap siya ng samu’t-saring parangal tulad ng paggawad sa kaniya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikang Pangkasaysayan sa pangunguna ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997.

Basahin din: Epifanio de los Santos
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...