Cariñosa

Ang Cariñosa o carinosa ay isa uri ng panrarahuyong sayaw sa buong Kapuluan ng Pilipinas na nagmula rin sa Espanya. Ito ay ginagamitan ng pamaypay at panyo.

Ang sayaw na ito ay isang magiliw na sayaw ng magkaparehang babae at lalaki na animo’y nasa aktong nagliligawan.

Taong 1992 nang mapalitan nito ang dating pambansang sayaw ng Pilipinas na Tinikling. Orihinal na isinasayaw ang Cariñosa na suot ang damit Maria Clara at Barong Tagalog dahil ito ay isang Kastilang sayaw nang ito ay ipakilala ng mga Kastila ang kanilang kultura.

Nagtataglay ang sayaw na ito ng tugtog na nagpapakita ng malaking impluwensiya ng mga Kastila sa mga Pilipino at ito ay may ¾ sa kumpas gaya ng ilang mga sayaw na Kastila.

Basahin: Mga Instrumentong Musikal sa Pilipinas

Ang Rondalla ay ang nakatalagang tumutugtog sa tugtog ng sayaw kung saan ito ay isang pangkat o isang orkestra ng mga instrumento na may pisi na binubuo ng mga bandurya, mandolin, gitara, triyangle, tambol at banjo. Kadalasan rin na puro lalaki ang tumutugtog sa Rondalla.

Tumungo naman tayo sa galaw at indak ng sayaw na ito, ang isang babae ay mayroong hawak na abaniko o panwelo kung saan siya ay pataga-tago sa kanyang napupusuan na nagsasaad na ibig rin niya ang lalaki.

Subalit hindi pa niya ito masagot ng oo, samantalang gayon din ang binatang lalaki na humahabol-habol at nagpapahiwatig na sinisinta rin niya ang dalaga.

Ang Pambansang Sayaw na Cariñosa ay mayroong iba’t-ibang bersiyon subalit ang indak ng pagtataguan ay isang pangkaraniwan na sa kahit saan mang panig ng Pilipinas.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Mga Anyong Tubig

ADVERTISEMENT
loading...