Camp Aguinaldo

Ang Camp Aguinaldo o Kampo Aguinaldo ay ang pambansang headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matatagpuan sa EDSA, Quezon City, Manila.

Ang kampong ito ay ipinangalan kay Heneral at dating Pangulong Emilio Aguinaldo. Noong 1935, bumili ang pamahalaan ng Pilipinas ng lupa sa New Manila Heights, at pagkaraan ng ilang taon ay naging tahanan ito ng mga gusali at pasilidad ng mga sangay ng hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Tinawag din itong Camp Murphy bilang pagkilala sa unang Amerikanong High Commisioner na si Frank Murphy. Ang Camp Murphy ay may lawak ito na 178.78 ektarya; ang 152.52 ektarya nito ang binili ng pamahalaan, samantalang 26.26 ektarya ang ibinigay ng Ortigas and Co. Partnership Ltd.

Basahin: HUKBALAHAP

Ang unang nakagamit ng kampong ito ay ang Philippine Constabulary General Service Battalion noong 1935. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hinati ang Camp Murphy sa dalawa, ito ay ang Camp Aguinaldo at ang Camp Crame.

Ang ilang runway naman ng paliparang Zabian Field ng dating Camp Murphy ang pinaglatagan ng White Plains Avenue at bahagi na ng Katipunan Avenue.

Naging saksi ang Camp Aguinaldo at ang kakambal nitong Camp Crame sa People Power Revolution (EDSA II), kung kailan bumaliktad sina Heneral at dating Pangulong Fidel V. Ramos, Minstro Juan Ponce Enrile, at mga naghimagsik na sundalo laban sa administrasyong Marcos.

Noong taong 1989, sa ilalim ng kapangyarihan ni dating Pangulong Corazon Aquino, nakubkob ng mga nagkukudetang sundalo ang bahagi ng kampo, na siya ring binomba ng mga helikopter at eroplanong pandigma.

Basahin din: Kamikaze
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...