Buwan ng Wika

Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ito ang pinalawig na pagdiriwang ng Linggo ng Wika na pinalawig noong Enero 15, 1997.

Kasaysayan

Ang pagbuo ng isang pambansang wika upang mapagkaisa ang buong bansa ay mithiing nagsimula noong 1935, sa panahon ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Si dating Pangulong Sergio OsmeƱa ang unang nagdeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Magmula 1946 hanggang 1954, ito ay ginugunita mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril, alinsunod sa Proklamasyon Bilang 35. Pinili ang Abril 2 dahil ito ang kaarawan ng kilalang Tagalog na manunulat na si Francisco Balagtas.

Ito ay iniusog sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril sa panahon ni dating Pangulong Ramon Magsaysay noong 1954. Sa sumunod na taon, noong 1955, inilipat ni Pangulong Magsaysay ang selebrasyon sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto, sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 186.

Taong 1988, pinirmahan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Bilang 19, na nagpatibay ng selebrasyon ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19.

Basahin: Ama ng Pambansang Wika at Balarila

Sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, kadalasang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa mga paaralan.

Kaugnay nito, maraming mga kaganapan ang ginagawa upang ipagdiwang ito, gaya ng sabayang pagbigkas, balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay, pagbigkas ng mga tula, pagsasayaw ng mga katutubong sayaw, at pag-awit ng mga katutubong awit.

Walang iisang wikang sinasalita sa kapuluan ng Pilipinas nang dumating ang mga Kastila. May mga tatlong pangunahing wikang sinasalita sa kapuluan, ang Kapampangan, Ilokano, at Cebuano.

Dahil ang mga wika sa Pilipinas ay magkakaugnay at madaling maunawaan ng mga katutubo, karamihan sa mga mananalita ng higit na maliit na wika ay nakapagsasalita ng dalawa o higit pang mga wika.

Basahin din: Barayti ng Wika
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...