BUGTONG PART 2

Bugtong Tagalog part 2 marahil marami sainyo ang nabasa na ang bugtong tagalog part 1, at dahil sa gusto namin na mas makatulong sa mga mambabasa na magkaron ng maraming halimbawa ng bugtong kaya ito dadagdagan pa namin para sainyo.

Mga Halimbawa ng Bugtong Tagalog Part 2:

BUGTONG #1
Ang paa’y apat
hindi naman makalakad
Sagot : Lamesa

BUGTONG #2

Tumapak ako sa impyerno
Maya maya nasa langit na ko
Sagot : Escalator

BUGTONG #3

Dumaan ang hari
Nagkagatan ang mga pari
Sagot : Zipper

BUGTONG #4

Malaking supot ni mang Jacob
Kung sisidlan ay pataob
Sagot : Kulambo

BUGTONG #5

BASAHIN : Pinoy Jokes

Lumuluha walang mata
Naglalakad walang paa
Sagot : Ballpen

BUGTONG #6

Sa araw ay bungbong
sa gabi ay dahon
Sagot : Banig

BUGTONG #7

Manok kong pula
Inutusan ko ng umaga
Ng umuwi gabi na
Sagot : Araw

BUGTONG #8

Ang katawan ay bala
ang bituka ay paminta
Sagot : Papaya

BUGTONG #9

Tubig na naging bato
Bato na naging tubig
Sagot : Asin

BUGTONG #10

May ulo walang mukha
May binti walang paa
Sagot : Palito

BASAHIN : Knock Knock Jokes Part 2 ( Tagalog )

BUGTONG #11

Gatas na pinulbos
at Inasukalan na papel
De Hapon ang balutan
Sagot : Polvoron

BUGTONG #12

Ikutan ng ikutan sa kalawakan
Hindi naman nagkakabungguan
Sagot : Planeta

BUGTONG #13

Hinila ko ang baging
Nagkakara ang matsing
Sagot : Kampana

BUGTONG #14

Kapag busog nakatayo
Kapag gutom nakayuko
Sagot : Sako

BUGTONG #15

Lumalalim kung bawasan
Bumababaw kung dagdagan
Sagot : Tapayan

BASAHIN : Funny Jokes ( Tagalog )

BUGTONG #16

Sa bukid nagsaksakan
Sa bahay nagbunutan
Sagot : Amorseko

BUGTONG #17

May binti walang hita
May tuktok walang mukha
Sagot : Kabute

BUGTONG #18

Hindi sakin
Hindi sa’iyo
Pag mamay-ari ng lahat ng tao
Sagot : Mundo

BUGTONG #19

Nanganak ang birhen
Itinapon ang lampin
Sagot : Saging

BUGTONG #20

Isang bahay na bato
Ang takip ay bilao
Sagot : Suso
/Snail

BASAHIN : Magkaibigan

BUGTONG #21

Matanda ang nuno
pero di pa naliligo,
Sagot : Pusa

BUGTONG #22

Tungkod ni apo
Hindi mahipo
Sagot : ahas

BUGTONG #23

Isang hayop na maliit
dumudumi ng sinulid
Sagot : Gagamba

BUGTONG #24

Maliit pa si kumpare
Nakakaakyat na sa tore
Sagot : langgam

BUGTONG #25

Bahay ni ka Huli
Haligi’y bali-bali
ang bubong ay kawali
Sagot : Alimango

BASAHIN : Green Jokes

BUGTONG #26

Pagmunti’y may buntot
Pag laki ay pungok
Sagot : Palaka

BUGTONG #27

Sa araw ay nahihimbing
Sa gabi ay gising
Sagot : Paniki

BUGTONG #28

Heto na si delay
dala dala kanyang bahay
Sagot : Pagong

BUGTONG #29

Bolang luntian
Pula ang laman
Mga buto’y itiman
Sagot : Pakwan

BUGTONG #30

Isang pamalu-palo
nababalutan ng ginto
Sagot : Mais

BASAHIN : Alamat ng Saging

BUGTONG #31

Bahay ni Nano
Walang bintana
walang pinto
Sagot : Itlog

BUGTONG #32

Limang puno ng kawayan
Isa lang ang matangkad
Sagot : Daliri

BUGTONG #33

Kay lapit lapit na
Sa mata di mo pa rin makita
Sagot : Tenga

BUGTONG #33

Dalawang batong itim
Malayo ang nararating
Sagot : Mga mata

BUGTONG #34

Buklod ng tinampukan
Saksi ng pag-iibigan
Sagot : Singsing

BUGTONG #35

Nagbibihis araw-araw
Nagpapalit ng pangalan araw-araw
Sagot : Kalendaryo

BASAHIN : Alamat ng Lansones

BUGTONG #36

Instrumentong pangharana
Hugis nito ay pang dalaga
Sagot : Gitara

BUGTONG #37

Hinila ko ang tadyang
Lumapad ang tiyan
Sagot : Payong

BUGTONG #38

Nakatindig walang paa
May tiya’y walang bituka
Sagot : Baso

BUGTONG #39

Sinakal ko muna
Bago ko nilagare
Sagot : Biyulin

BUGTONG #40

Sa maling kalabit
May buhay na kapalit
Sagot : Baril

BASAHIN : Alamat ng Durian

BUGTONG #41

Utusan kong walang paa’t bibig
Sa lihim ko’y siyang naghahatid
Pag-inutusa’y di na babalik
Sagot : Sobre

BUGTONG #42

Kaisa-isang plato
Kita sa buong mundo
Sagot : Buwan

BUGTONG #43

Bumubuka’y walang bibig
ngumingiti ng tahimik
Sagot : Bulaklak

BUGTONG #44

Dumaan si ulikba
ang mga tao ay nahiga
Sagot : Gabi

BUGTONG #45

Nagsabog ako ng binlid
Pagka-umaga ay napalis
Sagot : Bituin

BASAHIN : Alamat ng Pinya

BUGTONG #46

Lumalakad nang walang paa
Maingay pag malapit na
Sagot : Alon

BUGTONG #47

Baston ni adan
Hindi mabilang bilang
Sagot : Ulan

BUGONG #48

Palda ni Santa Maria
Ang kulay ay iba-iba
Sagot : Bahaghari

BUGONG #49

Bulak na bibitin-bitin
Di pwedeng balutin
Sagot : Ulap

BUGTONG #50

Sa buhatan ay may silbi
sa igiban ay walang silbi
Sagot : Bayong

Salamat sa mga nagbasa ng Bugtong tagalog part 2 at para dun sa mga di nabasa yung part 1 maari mong pindutin ang link na ito ( Bugtong Tagalog Part 1 )

ADVERTISEMENT
loading...