Bugtong Tagalog

Madaming bugtong tagalog o palaisipang tanong ang umusbong sa Pilipinas. Ang mga bugtong ay nagpapatalas sa kaisipan ng mga taong naglalaro nito.

Mga Halimbawa ng Bugtong Tagalog:

"Bugtong-Bugtong"

1. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita
Sagot: Tainga

2. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik
Sagot: Mga Paa

3. Dalawang batong itim, malayo na ang narating
Sagot: Mga Mata

4. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan
Sagot: Suso ng Ina

5. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko
Sagot: Ngipin

6. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako
Sagot: Langka

7. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona
Sagot: Bayabas

8. Isang tabo, laman ay pako
Sagot: Suha

9. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha ay nakaharap pa
Sagot: Balimbing

10. Hindi linggo, hindi rin piyesta, naglawit ang bandera
Sagot: Dahon ng Saging

Basahin ang Kahulugan ng Bugtong-Tagalog

11. Bahay ni Gomez, punong-puno ng perdigones
Sagot: Papaya

12. Nang maglihi ay namatay, nang manganak ay nabuhay
Sagot: Puno ng Siniguelas

13. Kumpol-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin
Sagot: Duhat

14. Sinampal ko muna bago inalok
Sagot: Sampalok

15. Nang munti pa lamang ay paru-paro, nang lumaki na ay latigo
Sagot: Sitaw

16. Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo ay may bunga
Sagot: Puno ng Kamyas

17. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray
Sagot: Talong

18. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit
Sagot: Baril

19. May puno walang bunga, may dahon walang sanga
Sagot: Sandok

20. Hayan na si kaka, bubuka-bukaka
Sagot: Gunting

Basahin din: Green Jokes

21. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo
Sagot: Pako

22. Isa ang pasukan, ngunit tatlo ang labasan
Sagot: Kamiseta

23. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang kaniyang buhay
Sagot: Kandila

24. Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos
Sagot: Sapatos

25. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw
Sagot: Sobre

26. Dikin ng hari, palamuti sa daliri
Sagot: Singsing

27. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo
Sagot: Walis

28. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap
Sagot: Unan

29. Ako ay aklat ng panahon, binabago taun-taon
Sagot: Kalendaryo

30. Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan
Sagot: Batya

31. Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan
Sagot: Yoyo

32. Hindi hayop, hindi rin tao, nagsusuot ng sumbrero
Sagot: Sabitan ng Sumbrero

33. Nagbibigay na, sinasakal pa
Sagot: Bote

34. Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay
Sagot: Bumbilya

35. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa
Sagot: Pluma o Pen

36. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi
Sagot: Bayong o Basket

37. Panakip sa nakabotelya, yari lata
Sagot: Tansan

38. Isang pirasong tela lang ito, ngunit sinasaluduhan ng mga sundalo
Sagot: Watawat

39. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing
Sagot: Kampana o Batingaw

40. Bagama’t nakatakip ay naisisilip
Sagot: Salamin sa Mata

41. Hindi tao, hindi rin hayop, pero kung uminom ay salup-salop
Sagot: Batya

42. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon
Sagot: Banig

43. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay
Sagot: Kubyertos

44. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob
Sagot: Kulambo

45. Hinila ko ang tadyang, ngunit lumapad ang tiyan
Sagot: Payong

46. Sa bahay ko isinuksok, sa gubat ko binunot
Sagot: Gulok o Itak

47. Kalesa ko sa Infanta, takbo nang takbo pero nakaparada
Sagot: Silyang Tumba-tumba

48. Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito
Sagot: Duyan

49. Urong sulong, lumalamon
Sagot: Lagari

50. Butasi, butasi, butas din ang tinagpi
Sagot: Lambat

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...