Boracay

Ang Boracay Island ay isang tropikal na pulo at pinakatanyag na baybayin na dinarayo ng mga turista. Ang islang ito ay matatagpuan sa lalawigan ng Aklan.

Matatayang nasa 10.32 square kilometre ang islang ito, bago pa man madiskubre ang isla ng boracay ng mga taga labas, ay tahanan na ito ng mga taong tinatawag nating ati. Kung saan taga-timog kanlurang asya, mga etnikong grupo na unang binansagang negrito ng mga espanyol ang mga ati o ita.

Basahin: Ati-atihan Festival

Hinango sa salita ng ati ang pangalang borac, na ang kahulugan ay bulak na nahahalintulad sa maputing buhangin. May mga iilang nagsasabi na ang salitang borac ay isang bula at ang bocay ay maputi, na siyang nagpapaaliw sa maganda at maputing buhangin at tubig na parang bula.

Ang pinakamagandang bahagi ng isla ay ang apat na kilometrong “White Beach” at inihanay sa pinakamagandang baybayin sa buong mundo na nahirang noong 2012 sa Travel + Leisure Magazine bilang “Best Island in the World”.

Bukod sa apat na kilometrong white beach, ang boracay ay mayroon ding mga kweba tulad ng bat cave, crystal cave, at buslugan cave.

Basahin din: Mount Pulag

Animo’y isang syudad ang isla dahil na rin sa mga resorts at hotels na nakatayo malapit dito. Ang boracay ay isang lugar kung saan ay pwede kang mag-ikot kahit umaga o gabi pa man yan.

Basahin din: Mga Anyong Tubig
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...