Bodabil

Ang bodabil ay isang uri ng samu’t-saring libangan na laganap sa mga entablado ng Estados Unidos at Canada magmula pa noong 1880 hanggang 1930.

Nagsimula ito sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bungad ng ika-20 siglo. Gayunpaman, popular na itong palabas na aliwan ng mga Amerikano na binubuo ng sari-saring palabas tulad ng musikal, komedi, salamangka, sirko, at marami pang iba.

May ulat din na ginamit ang bodabil na pang-aliw sa mga sundalong Amerikano sa Pilipinas. Noong 1910, may mga iilang Pilipino ang nagsagawa ng bodabil, kabilang sina Atang de la Rama at Katy de la Cruz na sila namang ginamit itong intermisyon sa sarsuwela.

Basahin: Severino Reyes

Ang intermisyon ay tinatawag kung minsang jamboree. Noong 1920, si Luis Borromeo—isang mang-aaliw na Pilipino, ang bumalik sa Estados Unidos upang itatag ang itinuturing na unang kompanyang bodabil.

Ang pangungahing bilang ng kompanya ay isang banda na tumutugtog ng classical jazz music kaya sinasabing ang banda ni Borromeo ang nagpopularisa ng jazz sa bansang Pilipinas.

Naging pangunahing palabas din ito sa mga karnabal at mga pista hanggang sa mga probinsiya. Gayunpaman, ipinagbawal ang mga impluwensiya ng mga Amerikano noong panahon ng pananakop ng mga Hapones subalit nagpatuloy ang bodabil sa mga teatro.

Makalipas ang panahon ng Liberasyon at sa ilalim ng pinalayang Republika ng Pilipinas, naging isang galamay ang bodabil sa pagpapasok ng pinakabagong aliwan na mula sa Estados Unidos.

Hanggang sa kasalukuyan, ang halo-halong mga bilang ng mga palabas sa telebisyon ay malinaw na nakaugat sa alaala ng bodabil.

Basahin din: Tula o Panulaan
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...