biko

Biko ay isang uri ng matamis na kakanin na gawa mula sa malagkit na bigas, gata ng niyog, at hindi repinadong asukal. Kadalasang kinakain ito bilang panghimagas o pangmeryenda at nakalagay sa bilao at inihahanda sa mahahalagang okasyon tulad ng kaarawan at pista.

BASAHIN : Bicol Express | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang Biko ay kilala rin na Sinukmani o Sinukmaneng sa Timog ng pilipinas na katulad ng iba pang kakaning Filipino, madalî lamang ang hakbang ng pagluluto ng biko ngunit nangangailangan ng pisikal na lakas. Kung saan sa isang malaking kawali kailangan mo haluin ang malagkit na bigas kasama ang pulang asukal, dito ay kailangan mo haluin ito at timplahin ng maayos habang nakasalang sa mahinang apoy.

Meron ding mga bikong gumagamit ng iba’t ibang kulay ng malagkit na bigas o kayâ ay naglalagay ng luya o pandan sa sinaing upang bumango. Ang iba namang biko ay magkasabay na nilulutò ang gata ng niyog at malagkit na bigas. 

BASAHIN : Sinampalokang Manok | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Biko

3Kilo ng Malagkit na Bigas
4Tasa ng tubig
1Tasa ng Pulang Asukal
4Piraso ng Niyog ( Kudkurin at itabi ang gata )

BASAHIN : Lumpiang Shanghai | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Biko

Una : Isaing muna ang malagkit sa Rice cooker o kaldero, pagkatapos habang hinihintay na maluto ang malagkit, sa isang kaserola, pakuluan mo yung gata pagkatapos lagyan ng asukal. haluin hanggang sa maging madikit/malagkit na or nabawasan na ng halos kalahati yung gata.

Pangalawa : Ihalo na yung kaning malagkit. patuloy mo lang na ihalo for 10-15 minuto. Pagkatapos, gawin mo naman yung latik. Pakuluan mo yung gata, tuloy-tuloy mo lang din na haluin hanggang na may lumabas ng mantika tapos makikita mo na magbubuo sila ng maliliit. Wait mo lang na mag-brown.

Pangatlo : Yung mantika sa latik, gamitin mo yun sa isang kaserola o dahon ng saging na nasa bilao na paglalagyan mo ng nalutong Biko para hindi ito dumikit. sabay ilagay mo na ang latik sa taas.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...