Bicol Express

Lahat ng mga taga Bicol gustong gusto ang siling labuyo, kaya karamihan talaga ng lutong pagkain sa kanila ay palaging may sili. Lalo na itong Bicol Express kaya kung naghahanap ka ng pagkaing maanghang paniguradong di ka bibiguin ng lutong ulam ng mga taga Bicol.

BASAHIN : Mechado | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang Bicol Express ay kilala din bilang Sinilihan sa Bicol, at isa ito sa pinakasikat na pagkaing maanghang sa pinas, sinasabing ang pinagkuhaan ng ideya ng Bicol Express ay Bicolanong ulam na Gulay na may Lada.

Hindi kalaunan ang Sinilihan sa bicol ay umabot na hanggang sa kamaynilaan at dahil sa ito’y lutong Bicol ay tinawag na Bicol Express.

BASAHIN : Lumpiang Shanghai | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Bicol Express

3-4Kutsara ng Mantika
6Na butil ng Bawang ( Hiwain ng mabuti )
1Malaking pulang Sibuyas ( Hiwain ng manipis )
1Luya na kasing laki ng hinlalaki ( Hiwain ng mabuti )
½ Kilo ng baboy ( Hiwain ng maliliit )
1Kutsara Shrimp paste
1.2Liter ng Coconut cream sa lata
2Katamtamang Kamatis ( Hiwain ng parisukat )
12-15Bereng sili ( Hiwain ng miliit o malalaki )
3-5Siling Labuyo ( hiwain ng maliliit )

BASAHIN : Taho | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Bicol Express

Una : Painitan ang kawali sa mahinang apoy lamang, pagkatapos igisa ang bawang, sibuyas at luya hanggang mangamoy na ito.

Pangalawa : idagdag na ang baboy at shrimp paste sa at antayin kumulo hanggang 3 hanggang 5 minuto sa mahinang apoy lamang upang hindi masunog.

Pangatlo : pagkatapos ay ihalo na ang gata at pakuluan ito hanggang 10 minuto. Panatilihin lamang mahina ang apoy

PangApat : Pagkatapos kumulo ilagay na ang kamatis at sili. at pwede na ito ihain.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...