Bibingka

Taon-taon tuwing pasko patok na patok ang Puto Bumbong at Bibingka, sapagkat naging tradisyon na ito sa ating bansa na bago sumapit ang kapaskuhan at bagong taon ay kung saan-saan nagsusulputan ang maraming nagtitinda nito, karamihan dito sa simbahan natin makikita, pero pano nga ba magluto ng Bibingka?

BASAHIN : Pansit Palabok | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

May mga komunidad din sa Silangang parte ng Indonesia na uso ang bibingka, kumpara dito sa Pilipinas, na halos kahit saan ka magpunta makakakita ka ng maraming nagtitinda nito, lalo na pagpasko

Kasi sa Pinas ang Bibingka ay kilalang Philippine Rice Cake na kadalasang almusal tuwing umaga sa Buwan ng Disyembre, halos naging parte na nga ito ng tradisyon natin. ang Bibingka ay kadalasan natin itong makikita sa gilid ng kalsada na niluluto sa isang paso na may nagbabagang uling kung saan ang Bibingka ay nakapatong sa dahon ng Saging.

BASAHIN : Mechado | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Bibingka

1Tasa ng Harina na gawa sa bigas
1⁄8 Kutsarita ng Asin
2 1⁄2 Kutsarita ng Baking Powder
3Kutsara ng Mantikilya
1Tasa ng puting Asukal
1Tasa ng Gata
1⁄4 Tasa ng Gatas
1Piraso ng Maalat na itlog
1⁄2 Tasa ng kinudkod na Cheese
3Piraso ng Tatlong Itlog
Dahon ng Saging depende sa laki ng Bibingka

BASAHIN : Lumpiang Shanghai | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Bibingka

Una : Ibabad ang malagkit at gilingan, pagkatapos ilagay ang gata sa kaserola o sa lalagyan saka haluing mabuti ang mga sangkap.

Pangalawa : Sa parehong oras, gupitin ang dahon ng saging ng pabilog at ipatong sa pinaglulutuan upang hindi dumikit ang bibingka, ilagay ang pinaghalong sangkap ayon sa hustong dami.

Pangatlo : Ulitin ito sa pugon na may baga sa ilalim at sa ibabaw upang maging pantay ang luto, kapag naman malapit ng maluto, buksan muli at ipahid ang mantikilya, muling takpan at hayaang maluto, kapag luto na hanguin na ito at ihain ng may kasamang ginadgad na niyog.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...