Biag ni Lam-ang

Biag ni Lam ang | Mitolohiyang Pilipino

Ang Biag ni Lam ang o sa tagalog (Buhay ni Lam ang) ay isang epikong tula ng mga ilokano mula sa rehiyon ng Ilokos sa bansang Pilipinas.

BuodBiag ni Lam ang

Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, na ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito ay si Lam ang. Bago pa isilang si Lam ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila.

Sa kasawiang palad ay napatay ang ama niya. Pinugutan ito ng ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga igorot bilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat.

Nang isilang si Lam ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan.

Nang siya ay naisilang, ay agad nagsalita ang sanggol at siya ang humiling na “Lam-ang” ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang at sinabi ng ina ang kinaroroonan ng ama.

Makalipas ang siyam na buwan, nainip na si Lam ang sa di pagdating ng ama kaya’t sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba’t- ibang sandata at mga anting-anting na makapag-bibigay lakas sa kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Sa tulong nito, talagang pinaghandaan niya ang lakad niya patungo sa kabundukan.

Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng paglubog ng araw kaya’t namahinga sandali. Naidlip siya at napanaginipan niya na ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam ang sa nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote.

Pinagpapaslang niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Nang makauwi si Lam ang ay agad silang nagsisiyahan dahil sa nai-paghiganti niya ang pagkamatay ng ama niya.

May isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito’y pinuntahan ng binatang si Lam ang upang ligawan, kasama ang kaniyang puting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam ang, kaya’t sila’y nag-away at dito’y muling nagwagi si Lam-ang.

Ang pag-ibig ni Lam-ang kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila’y payag na maging manugang si Lam-ang kung ito ay makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga.

Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa engrandeng kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan sa Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila.

Subalit mayroon silang kinaugalian na pagkatapos ng kasalan ay kinakailangan ng lalaki na sumisid sa ilog upang humuli ng rarang (isda). Agad naman itong sinunod ni Lam-ang ngunit siya ay hindi pinalad na makabalik nang siya ay makagat at mapatay ng berkakan (isang uri ng pating).

Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto.

Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang puting tandang at abuhing aso.

Basahin din: Bernardo Carpio
Diego Silang

ADVERTISEMENT
loading...