Benedicto Cabrera

Si Benedicto Cabrera o mas kilala rin bilang Bencab ang tinaguriang Pambansang Artista ng Pilipinas para sa Sining Biswal o Pagpipinta.

Natatangi ang kaniyang sining sa larangan ng pinturang Pilipino dahil sa pagbibigay niya ng diin sa pagguhit kaysa sa kulay.

Kinakatawan ng mga pintor na sina Leonardo da Vinci at Michelangelo ng Italya ang ganitong klaseng estilo ng pagpipinta.

Basahin: Severino Reyes

Ipinanganak si Benedicto Cabrera noong ika-10 ng Abril taong 1942 sa Malabon at siya ang pinakabata sa kanilang siyam na magkakapatid.

Nakapag-aral siya ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1959-1963 at naging ilustrador siya ng Liwayway at Sunday Times Magazine ng Manila Times mula 1965 hanggang 1968.

Ginugol niya ang ang buo niyang panahon sa pagpipinta, at dahil sa kaniyang angking husay, Ang Filipino, Noon at Ngayon, gamit ang iba’t-ibang hulagway, ang pinaka-popular na paksa sa mga obra ni Bencab. Sinasabing ang kakulangan ng kulay sa kaniyang mga obra ay napupunan ng karakter ng kaniyang mga paksa.

Napabilang siya sa eksibit at na kaniyang pinakaunang nasalihan sa edad na 24 anyos na ginanap sa Indigo Gallery noong 1966.

Silipin din: Banaag at Sikat

Mula sa isang larawan ng isang marungis na babaeng kinunan ng retrato mismo ng pintor noong dekada 1960, iniluwal ang hulagway na tinawag niyang Sabel.

Sabel

Sinisimbolo ng hulagway ng Sabel ang hikahos na kalagayan ng maraming Pilipino. Ang Larawan Series naman ay nagmula sa mga larawan ng Pilipino na hango sa mga mapang antigo at mga librong kinolekta ng mag-asawang Bencab at Caroline noong sila ay nasa London.

Noong 1986, bumalik si Bencab sa Pilipinas matapos ang diborsyo. Muling sinalamin ng kaniyang pintura ang panibagong yugto ng kasaysayan ng bansa sa kaniyang ikalawang bersiyon ng Two Filipinas—ang EDSA Event.

Namalagi si Bencab sa Baguio kasama ang iba pang mga manlilikha ng sining na bumubuo sa Baguio Arts Guild gaya nina Kidlat Tahimik at Santiago Bose.

Basahin din: Komisyon sa Wikang Filipino
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...