Ang Batang Heneral Gregorio del Pilar

Si Gregorio del Pilar (Batang Heneral) ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Dahil sa kanyang kabataan, binansagan din siyang Ang Batang Heneral.

  • Goyong
Gregorio del Pilar
Photo from: Wikipedia

Goyong

Si Gregorio Hilario del Pilar y Sempio ipinanganak noong Nobyembre 14, 1875 ay isa sa pinakabatang heneral ng Pilipinas noong panahon ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. Kilala siya sa kanyang matagumpay na pag-atake sa mga kuwartel ng Espanyol ng Cazadores sa munisipalidad ng Paombong, sa kanyang tagumpay sa unang yugto ng Labanan ng Quingua at sa kanyang huling paglaban sa Labanan sa Pasong Tirad sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano.

Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna. Si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.

Basahin: Labanan sa Mactan

Noong Disyembre 28, 1896, nakilahok siya sa isang pag-atake sa Kakarong de Sili-Pandi, Bulacan, isang bayang tutol sa Katipunan. Noong Enero 1, 1897, siya ay kabilang sa mga nakipaglaban nang ang mga Espanyol ay sumalakay para makuhang muli ang bayan. Nagtamo siya ng bahagyang sugat mula sa balang dumaplis sa kanyang noo. Dahil sa kanyang lakas ng loob at katapangan iginawad sa kanya ang pagkilala at isang promosyon sa ranggo ng tenyente. Noong Agosto 1897, habang siya ay kapitan ay nakilala niya si Emilio Aguinaldo sa punong tanggapan nito sa Biak-na-Bato at nagpanukala ng isang pag-atake sa isang pulutong ng Espanyol sa Paombong, Bulacan. Naaprubahan ni Aguinaldo ang kanyang plano at matagumpay na isinasagawa ang atake sa pagkuha ng 14 na ripleng Mauser. Di-nagtagal, itinaas siya ni Aguinaldo sa ranggo na tenyente koronel. Matapos ang Kasunduan sa Biak-na-Bato, ipinatapon siya sa Hong Kong kasama si Aguinaldo at iba pang mga rebolusyonaryong lider.

Noong Disyembre 2, 1899, pinangunahan ni del Pilar ang anim napung sundalong Pilipino na hawak ni Aguinaldo sa labanan sa Pasong Tirad laban sa tinatawag na “Texas Regiment”, ang Ika-33 Impanteryang Rehimyento ng Estados Unidos na pinamumunuan ni Peyton C. March. Ang limang oras na labanan, na layon ay takpan at iantala ang pag-urong ni Aguinaldo ay nagresulta sa kamatayan ni Del Pilar mula sa isang tama ng bala sa leeg, sa kasagsagan o pagtatapos ng labanan, depende sa mga ulat ng mga saksi. Ang katawan ni Del Pilar na inagaw at ninakaw ng mga nagwaging sundalong Amerikano, ay hindi nailibing ng ilang araw. Habang binabakas ni Tenyente Dennis P. Quinlan, isang Amerikanong opisyal, ang kanyang landas ay natagpuan niya ang katawan ni del Pilar. Binigyan niya ito ng tradisyonal na libing ng militar at sa lapida ni del Pilar isinulat ni Quinlan, “Isang Opisyal at isang Maginoo”.

Basahin din: La Liga Filipina
Mga Bayaning Pilipino

ADVERTISEMENT
loading...