Baro't saya

Ang Baro’t saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot lamang ng mga kababaihan. Ang pangalay nay nagmula sa salitang baro at saya, samantala nama’y ang tawag sa kasuotan ng mga kalalakihan ay ang Barong Tagalog.

May iba’t-ibang uri ng baro’t saya, isa na rito ang tinatawag na Maria Clara na may dagdag na alampay o pañuelo. Nakabalot sa balikat at ang terno na mat mataas na manggas.

Ang uring terno ay pinatanyag ni dating Unang Ginang Imelda Marcos. Bago pa man dumating ang mga dayuhang Español, ang baro’t saya na ang maituturing na pambayang kasuotan ng mga Filipina.

Ang salitang baro na henerikong tawag sa pang-itaas na kasuotan ng mga katutubo ay laganap sa buong kapuluan bago pa man dumating ang mga mananakop.

Bado ang tawag dito ng mga Ilokano, samantalang bayo naman sa Kabisayaan. Ang saya naman ay ang maluwang na pang-ibabang kasuotan.

Ang baro at saya ay may apat na bahagi:

Kamisa – Ito isang maikling blusa na may manggas na halos kawangis ng isang bestido.
Alampay – Ito naman ay isang balabal na ipinapatong sa kamisa.
Saya – Ito ay ang paldang mahaba na kalimitan ay hanggang sakong ang haba.
Tapis – Isang kapirasong tela na ipinapatong sa saya.

Nang lumaon, isintabi na ang alampay dahil nakakagambala ito sa paggalaw. Nawala rin ang tapis at naging mas payak ang saya.

Natira na lamang ay ang dalawang pirasong kasuotan na di nagtagal ay pinag-isa. Para sa mas pormal na okasyon, nabuo ang iisang pirasong kasuotan na may pinatayong manggas na kahalintulad ng mga pakpak ng paru-paro. Ito ay ang tinatawag na terno.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...