Barong Tagalog

Ang Barong Tagalog ay ang burdadong pormal na kasuotan sa Pilipinas. Tinagurian itongg “Ang Pambansang Kasuotan” ng mga kalalakihan at baro’t saya naman para sa mga kababaihan.

Ang barong ay isang pormal na kasuotang ginagamit ng mga Pilipino sa tuwing may mga okasyon. Ito ay mas kilala sa pangalang “barong” na mula sa salitang “baro” na ang ibig sabihin ay damit.

Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, ito ay may halintulad sa isang amerikana.

Ang barong tagalog ay gawa sa mga iba’t-ibang materyales na tinatawag na “jusi” na mula sa balat ng saging. May mga barong tagalog din na gawa sa balat ng pinya. Ito ay ang mga barong na tinatawag ng karamihan na “piƱa barong”. Ang mga materyales na ito ay hinahabi para makagawa ng telang pambarong.

Sa kulturang Pilipino ngayon, ang barong ay ginagamit na uniporme ng mga manggagawa sa pamahalaan at sa ibang mga pribadong opisina. Ang mga mamahalin at mas magarbong barong ay ginagamit sa mga espesyal na okasyon, kagaya ng kasalan, binyagan at pistahan. Ito ay naiiba noong panahon na kung saan ang barong ay sinusuot ng mga Pilipinong mababa ang kalagayan sa lipunan.

Ang pagsuot ng magarbong barong ay naging bahagi na ng kulturang Pilipino at makikitang isinusuot nang pangkaramihan at hindi na lamang ang mga mayayaman. Noong panahon ng Pangulong Quezon, inilunsad ang “Araw ng Barong”.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Mga Anyong Tubig

ADVERTISEMENT
loading...