Bangus

Ang bangus o sa ingles ay “milkfish” ay tinaguriang “Ang Pambansang Isda”, ito ay isang uri ng isda na maraming tinik o buto subalit ito ay nakakain.

Pangkaraniwang magkahalintulad ang magkabilang gilid at may hugis na naaangkop sa mabilisang paglangoy ang pangangatawan ng mga ito.

Mayroon din itong pinalikpikang buntot na may dalawang sanga at sapat na laki. Sumusukat ang mga ito hanggang sa 1.7 metro at pangkaraniwang nasa 1 metro ang haba.

Ang lasa ng pambansang isda ay kahalintulad ng sa Coregonus o Whitefish, namumuhay ang mga ito sa Karagatang Indiya at sa kahabaan ng Karagatang Pasipiko.

Sa Pilipinas, ang mga bangus ay naging isa sa mga Pambansang Sagisag kung saan naging tanyag ang pagbili ng mga ito kapag maalisan ito ng tinik.

Sa Lungsod ng Dagupan, Pangasinan, kilala ang MF Sandoval Trading at nagpasimula ng pagbebenta ng mga isda na naalisan ng tinik.

Ginamit ng kompanyang MF Sandoval ang katawagang “bangus na walang tinik” o “boneless bangus” upang mas mabilis itong maibenta at maging kaaya-aya ang produkto.

Noong 1 Setyembre 2007, ipinagutos ng alkalde ng Dagupan, na tatakan ng “Dagupan bangus” ang katutubong produkto ng Dagupan, upang makilala at hindi maipagkamali ng mga mamimili ang mga ito mula sa ibang mga dayuhang produktong isda na may mabahong amoy at lasang gilik o putik. Kilala ang Dagupan bilang Ulung-bayang Pamilihan ng Bangus ng Mundo.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Mga Anyong Tubig

ADVERTISEMENT
loading...