Bangsamoro

Ang Bangsamoro ay tumutukoy sa lunggating kaisahan o organisasyon ng mga Muslim sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao, Palawan, at Sabah.

Sa kasalukuyan, pangarap itong maitatag sa mga pook tulad ng Basilan, Cotobato, Davao del Sur, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, Sarangani, South Cotobato, Sultan Kudarat, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, at Zamboanga Sibugay.

Ang Bangsamoro ay nagmula sa salitang Malay na bangsa na nangangahulugang bansa at moro na pangkalahatang tawag ng mga Español sa mga Muslim noong panahon ng Reconquista sa España noong siglo 15.

Basahin: HUKBALAHAP

Naging malaking hadlang ang mga pangkating Muslim sa ganap na pagsakop ng mga Español sa Mindanao. Sa kabila ng mga kampanyang militar, hindi lubusang kinilala ng mga lider na Muslim ang kapangyarihang Español bukod sa patuloy na panggugulo sa mga pamayanang Kristiyano na naitatag sa maraming pook ng Mindanao.

Gayunmapan, nagpatuloy ang mga ganitong kalagayan hanggang sa panahon ng mga Amerikano. Isang hiwalay na probinsiyang administratibo ang itinatag para sa mga Muslim at binigyan ng kinatawan ang mga Muslim sa kongreso.

Ngunit hindi ito naging madali dahil hanggang sa panahon ng Republika ng Pilipinas ang integrasyon ng mga Muslim sa bansang Pilipinas.

Noong dekada ’60, nabuo ang ilang organisasyon ng mga Muslim laban sa gobyerno ng Pilipinas para sa isang malaya at nakapagsasariling bangsamoro.

Pangunahin ang Moro National Liberation Front (MNLF) na pinamumunuan ni Nur Misuari, isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas. Napagkasunduan ng MNLF at ng pamalaan ang pagkilala sa lupain ng mga Muslim bilang isang rehiyong awtonomo sa ilalim ng MNLF-GRPH Tripoli Agreement noong taong 1976.

Basahin din: Rajah Sulayman
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...