Bandurria

Ang bandurya o bandurria sa wikang Ingles ay isang uri ng maliit na gitara. Tinatawag na bandurista ang tumutugtog ng bandurya o anumang maliit ng gitara.

Ito ay nakahanay sa chordophone o instrumentong mayroong kuwerdas (string) at may pagkakahalintulad sa mandolin. Karaniwan itong ginagamit ng mga Kastila para sa kanilang mga katutubong musika na ngayo’y naging isa na sa ating mga kultura.

Ang instrumentong pangmusika na ito ay unang nagmula sa Espanya, dahil sa malakas na impluwensiya ng mga Kastila hindi lang sa musika pati na rin sa kanilang mga kultura, hindi maikakaila na malaki ang naitulong ng mga Kastila sa ating kultura.

Ang bandurria ay may maraming kuwerdas, mayroon itong tatlong kuwerdas sa bawat tono. Ito ay tinutugtog gamit ang pick na pinagpapabalik-balik ng mabilis sa isang tono ng magkakalapit na kuwerdas.

Basahin: Octavina

Sa bansang Pilipinas, ang bandurria ay mayroong humigit sa 14 na kuwerdas at madalas ding ginagamit sa ating katutubong musika. Ang bersiyon na ito ay hango pa sa kolonya ng Espanya mula taong 1521 hanggang 1898.

Isa rin ito sa mga pangunahing instrumento na ginagamit sa pagtugtog ng mga rondalla o grupo ng mga musikero na tumutugtog nang magkakasama.

Ito rin ay maaaring maihambing sa soprano, at pangkaraniwang nagbibigay ng magandang tunog na may pangunahing himig o melodiya.

Basahin din: Pambansang Awit ng Pilipinas
Mga Instrumentong Musikal ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...