Balut

Ang Balut ay isang pagkain na nanggaling sa Asya, lalo na sa Pilipinas, Tsina at Vietnam. Isa itong itlog ng itik na dumaan sa pertilisasyon at pakukuluan.

Ito ay nagmula sa salitang Tagalog na “balot”. Kadalasang binebenta ang balut sa gabi at ang mataas na protina ang nagiging dahilan upang isabay sa serbesa. Kadalasan itong kinakain na may kasamang asin, suka, o sili para magkaroon ng lasa.

Kasaysayan

Isang bantog na pagkaing Pinoy ang balut. Sa bayan ng Pateros, na kilala sa industriya ng balut, maingat na pinipili ang mga itlog ng itik na kinukulob sa isang pook halimhiman sa loob ng 17-19 araw para magkaroon ng kiti o sisiw.

Ngunit hindi hinahayaang mapisa ang itlog. Pagkatapos ng naturang paghalimhim, kinukuha ang itlog na may sisiw, hinuhugasan, at inilalaga.

Basahin: Sinigang

May mga Pilipinong mahilig sa balut sa puti, itlog na kinulob sa loob ng 16-17 lamang kaya maliit pa ang sisiw. Karaniwang bahagyang binubuksan ang balat ng isang dulo ng itlog, binubudburan ng asin, at hinihigop ang sabaw at laman.

Ngunit sa kabila ng pagiging patok ng balut, nagbabala ang isang eksperto dahil maaari raw ito magdulot ng mga sakit sa puso dahil sa labis na pagkain ng mga ito.

Ayon sa mga eksperto, mataas ang sodium content o alat at kolesterol na taglay ang balut, na nagdudulot ng mga komplikasyon sa puso. Gayunman, hindi nangangahulugang wala nang mabuting naidudulot sa kalusugan ang pagkain nito.

Mayaman naman ito sa protina na mainam sa pabuo ng muscles, at calcium na pang-patibay ng buto.

Basahin din: Ati-atihan Festival
Pambansang Sagisag ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...