Balintawak

Ang Balintawak ay isang makasaysayang pook na ngayon ay nasa Lungsod ng Quezon. Sa lugar na ito ginanap ang simula ng Himagsikang Pilipino laban sa Español.

Taong 1908, sinimulan ang paggunita sa Himagsikang 1896 at ipinagdiriwang sa Balintawak ang Unang Sigaw ng mga beterano ng rebolusyon.

Sa kaalaman din ng nakararami, dito itinayo ang bantayog para sa Unang Sigaw noong 1911. May ulat din na unang inisip na pangalanang Lungsod Balintawak ang binubuong kapitolyo ng Pilipinas bago ito ipinangalan kay dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Basahin: Quezon Memorial Circle

Nagbago ito nang higit na sundin ang saliksik ng historyador na si Teodoro Agoncillo na sa Pugad Lawin at hindi sa Balintawak naganap ang pasiya ng mga Katipunero na maghimagsik.

Bukod pa riyan, tinayuan ang bantayog ng malaking gusaling tinatawag na cloverleaf kaya inalis na ito at inilipat sa harap ng Bulwagang Vinzons sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

Ang pangalan ng pook na ito ay sinasabing nagmula sa tao na tawak o may kapangyarihang magpaamo ng ahas, naging pangalan din ito ng isang popular na kasuotang pambabae noong ika-20 na siglo.

Isa ito sa mga munting bayan, kasama ang San Francisco del Monte at Novaliches, na ipinaloob sa binuong Lungsod ng Quezon.

Basahin din: Ina ng Balintawak
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...