Balagtasan

Ano ang Balagtasan?

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo o pakikipagsagutan ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang akda. Hinango ito mula sa pangalan ni Francisco Balagtas ang tinaguriang Prinsipe ng Makatang Pilipino.

Inilalahad ng sining na ito ang isang uri ng panitikan kung saan ay ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may tugma sa huli.

Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong ika-6 ng Abril taong 1924 na nilikha ng mga pangkat na manunulat upang alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas.

Kasaysayan

Noong ika-28 ng Marso taong 1924, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang ilang mga nangungunang manunulat sa Instituto de Mujeres, kalye ng Tayuman, Tondo sa Maynila para maghanda sa pagdiriwang ng kaarawan ni Balagtas sa Abril 2, 1925.

Ang gusaling pinagganapan ay ang tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat. Dito nila nilikha ang konsepto ng balagtasan nang may mga ilang nagmungkahi ng makabagong duplo.

Basahin: Ang Talumpati

Taong 1924 sa ika-6 na araw ng Abril, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang balagtasan sa Instituto de Mujeres, ito ay sina Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus. Nakatunggali naman ni Amado V. Hernandez si Guillermo Holandez.

Samantala, sa mga lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Florentino Collantes (Kuntil Butil) lang ang nakatanggap ng pinakamasiglang tugon mula sa madla.

Ang pamagat ng kanilang paksa na kanilang pinagtalunan ay ang “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” na kanilang isinulat pareho.

Pagkatapos nilang magtanghal noong 1925, hanggang sa lumipas ang ikalawang digmaang pandaigdig, naging tanyag ang balagtasan sa Pilipinas at ninanais ng mga manunula ang titulong Hari ng Balagtasan.

Tungkulin ng Balagtasan

Maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay ng aliw sa mga manonood, nagkaroon ito ng isang mas mataas na pampolitika at panlipunang tungkulin. Binibigay ng mga sumasali sa balagtasan ang kanilang saloobin tungkol sa kasalukuyang pangyayari at suliranin tulad ng ginagawa ng mga kolumnista at patnugot ng isang pahayagan.

Silipin din: Panitikan ng Pilipinas
Kahulugan ng Tula

ADVERTISEMENT
loading...