Bahay Kubo

Ang Bahay Kubo (nipa hut sa ingles) o kubo lamang ay isang katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas. Ito’y tinagurian rin bilang “Ang Pambansang Tirahan”.

Ang katutubong bahay na ito ay gawa sa kawayan (bamboo) na itinatali nang magkasama, may isang binigkis na bubong gamit ang dahon ng nipa o anahaw.

Angkop ito laban sa hangin at ulan subalit madaling masira sa mga bagyo at madaling palitan.

Ito rin ang kauna-unahang bahay ng mga katutubong Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas.

Kasalukuyang ginagamit pa rin ang mga ito lalo na sa mga mabubukid na lugar. Iba’t-ibang uri ng disenyo ng arkitektura ang makikita sa iba’t-ibang tribo ng bansa.

Parisukat naman ang hugis ng mga sinaunang bahay kubo, ito ay may apat na dingding at may isa o dalawang silid.

Ang mga dingding nito ay halos yari sa kahoy at pawid, o kawayan at pawid. Ang iba nama’y ginagamitan ng kogon sa halip na pawid.

Ang haligi naman ay yari sa malalaki at matitigas na kahot, ito ay nakabaon nang may tatlong talampakan ang ilalim sa lupa at nakapatong sa malaking patag na bato.

Nilalagyan din ng mga bato ang paligid ng haligi upang maging mas matatag pa ito. Mga maiikling poste na umaabot sa sahig naman ang inilalagay sa ilalim ng bahay bilang karagdagang suporta.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Mga Anyong Lupa
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...