Arturo Luz

Si Arturo Luz ay isang Pilipinong eskultor at pintor na nakilala dahil sa kaniyang minimalista subalit magarang mga pintura at eskultura niyang likha.

Ipinanganak siya noong ika-29 ng Nobyembre taong 1926 sa Maynila, Pilipinas at nakapag-aral din sa Unibersidad ng Santo Tomas sa School of Fine Arts sa loob lamang ng tatlong buwan.

Gayunpaman, noong 1994 ay nakamit niya ang kaniyang diploma mula sa California College of Arts and Crafts sa Oakland para sa tatlong masusing pag-aaral sa kulay, disenyo, at pagguhit.

Basahin: Isabelo de los Reyes

Ipinagpatuloy din niya ang kaniyang pag-aaral sa Brooklyn Museum Art School sa New York at sa Academie Grande Chaumiere sa Paris.

Nahahati sa tatlong hanayan ang mga obra ni Arturo Luz—ang bawat isa ay kumakatawan sa yugto ng kaniyang maningning na karera. Noong maagang bahagi ng dekada ’50, makikita ang impluwensiya ni Rufino Tamayo—isang Mehikanong ekspresyonistang pintor sa kaniyang mga nilikha tulad ng Candle Vendors noong 1951 at Street Musicians noong 1952.

Silipin din: Florante at Laura

Noong 1969, dalawang krusyal na resolusyon ang tinupad ni Arturo Luz, isa na rito ang paglipat mula sa piguratibo patungong abstraksiyon, at ikalawa aay ang pagbibigay diin sa eskultura gaya ng nakatanghal sa Philippine International Convention Center, West in Philippine Plaza Hotel, Ayala Museum at Ateneo de Manila University.

Nakatanggap siya ng iba’t-ibang parangal gaya ng Republic Cultural Heritage Award noong 1966, Gawad CCP para sa Sining Biswal noong 1989, at diwa ng Lahi Award sa Lungsod ng Maynila noong 1993. Iginawad din sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining Biswal noong 2007.

Basahin din: Banaue Rice Terraces
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...