Araw ng Kalayaan

Ang Araw ng Kalayaan o Araw ng Kasarinlan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing sasapit ang ika-12 araw ng Hunyo.

Ito ay bilang pag-alala ng Pamamahag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898. Isa itong Pambansang Araw ng pagdiriwang sa Pilipinas.

Kasaysayan

Ang araw ng paggunita ng kasarinlan ay nagiiba-iba sa buong kasaysayan ng bansa. Ang pinakaunangg tala ay noong ika-12 ng Abril taong 1895, kung kailan tumungo sina Emilio Jacinto, Restituto Javier, Guillermo Masangkay, Aurelio Tolentino, Pedro Zabala at iba pang mga Katipunero sa Kuweba ng Pamitinan sa Montalban, Rizal upang tanggapin ang mga bagong kasapi ng Katipunan.

Isinulat ni Andres Bonifacio ang Viva la independencia Filipina! o Mabuhay ang kasarinlan ng Pilipinas sa pader ng kuweba upang ipahayag ang layunin ng lihim na samahan.

Namuno si Bonifacio sa Sigaw ng Pugad Lawin na siyang naghudyat sa Rebolusyong Pilipino. Dito nila pinunit ang kanilang mga sedula bilang pagtutol sa pananakot ng mga Kastila.

Sa pagsiklab ng Digmaang Espanyol-Amerikano, naglayag si Komodoro George Dewey mula Hong Kong patungo sa Look ng Maynila at pinamunuan ang iskuwadra ng Hukbong Pandagat ng Amerika.

Sa buwan ding iyon ay inihatid ng Hukbong Dagat ng Amerika si Emilio Aguinaldo pabalik sa Pilipinas. Nakarating si Aguinaldo sa Cavite noong ika-18 ng Mayo taong 1898 at tinipon ang mga puwersang rebolusyonaryo.

Basahin: Digmaang Pilipino-Amerikano

Noong ika-5 ng Hunyo taong 1898, naglabas si Aguinaldo ng isang kautusan na nagtatakda sa 12 Hunyo 1898 bilag araw ng pagpapahayag ng kasarinlan.

Ang proklamasyon noong ika-1 ng Agosto taong 1898 ay niratipika ng 190 mga pangulo ng bayan mula sa 16 mga probinsya na kontrolado ng hukbong rebolusyonaryo. Muli itong niratipika noong 29 Setyembre 1898 ng Kongreso ng Malolos.

Sa ilalim ng Kasunduan sa Maynila ay ipinagkaloob ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo taong 1946. Ang petsa ng 4 Hulyo ay pinili ng Estados Unidos dahil ito ang petsa ng Araw ng Kalayaan ng Estados Unidos, at ang petsang ito ay ginugunita rin sa Pilipinas bilang kaniyang Araw ng Kalayaan hanggang 1962.

Noong 12 Mayo 1962, naglabas si dating Pangulong Diosdado Macapagal ng Proklamasyon Bilang 28, na siyang nagtatakda sa ika-12 ng Hunyo bilang natatanging pista opisyal sa buong Pilipinas.

Noong 4 Agosto 1964 ay isinabatas ang Batas Republika Bilang 4166 na nagtatakda sa 4 Hulyo bilang “Araw ng Republika ng Pilipinas”, sa 12 Hunyo bilang “Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas”, at hinihimok ang lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na gunitain ang huling nabanggit ng naaayon.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Patinikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...