Araro

Ang araro o pag-aararo ay isang pangunahin at tradisyonal na kasangkapan sa pagsasaka. Ginagawa ito upang magbungkal ng malaking piraso ng lupa sa bukirin.

May mga barayti ng wika ang ginamit para tawagin ito tulad ng daro sa Cebuano, dado naman sa Meranaw, at tinawag naman itong lokoy sa Pangasinan.

Karaniwang isinasagawa ang pag-aararo sa kapatagan ng bukirin at hinihila naman ito ng kalabaw o baka.

Basahin: Araw ng Paggawa o Labor Day

May paniniwalang ipinakilala lamang ang araro sa agrikultura ng Pilipinas sa panahon ng kasagsagan ng kolonyalismong Español. Hindi rin ginamitan noon ng araro ang payyo sa Cordillera.

Ang tradisyonal na araro ay binubuo ng bahaging kahoy at bahaging bakal. May apat na piraso ng kahoy ang pinaka-balangkas nito, kasama ang tinatawag na lunas—ang naka-arkong kahoy na kinakabitan ng lubid na may singkaw ng kalabaw, at ang mataas na puluhan na tinatawag namang ugit.

Ang lunas ay ang pinaka-tiyan ng araro na binubuo ng dalawang maikling piraso ng kahoy na pinaghugpong sa anggulong 90 digri. Sa hugpungan ng lunas nakakabit ang bahaging bakal, na binubuo naman ng sudsod at lipya.

Silipin din: Labanan sa Pasong Tirad

Ang sudsod ay isang patulis na piraso ng bakal at tulad ng ibig sabihin ng pangalan nito, ito ang tumutusok sa lupang binubungkal. Ang lipya naman ay ang hugis pusong piraso ng bakal na siyang humahawi sa mga tiningkal o malalaking piraso ng lupa na ini-aalsa ng sudsod.

Sa kasalukuyang panahon ng modernong pagsasaka at sa mabilis na pag-usad ng teknolohiya, pinalitan na ng mekanisadong traktora ang araro bilang pambungkal.

Basahin din: Mga Anyong Lupa
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...