Ang Tatlong Paring Martir GOMBURZA

Ang pinagsama-samang pangalan ng GOMBURZA ay nagmula sa Tatlong Paring Martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora. Sa pagkakataong ito ay ating tatalakayin ang sinapit ng tatlong paring ito.

  • GOMBURZA
  • Pagbitay sa Tatlong Pari

Ang GOMBURZA

Padre Mariano Gomez

Ipinanganak si Mariano Gomez noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, Maynila,  Siya ang naunang binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Nakapagtapos siya sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor, Cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa. Inilimbag din sa pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos.

Padre Jose Burgos

Ipinanganak si Jose Burgos noong 9 Pebrero sa Vigan, Ilocos Sur. Siya naman ang huling binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinaka-natatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya at isa pa sa canon law. Isa rin siyang prolipikong manunulat at konektado sa Manila Cathedral.

Padre Jacinto Zamora

Ipinanganak si Jacinto Zamora noong 14 Agosto 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na,“Grand Reunion… our friends are well provided with powder and ammunition.” Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag.

Pagbitay sa Tatlong Pari

Binitay ang tatlong pari sa pamamagitan ng garote noong 17 Pebrero 1873 ng mga Espanyol dahil sa pagbibintang sa kanila sa kasong subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring rebelyon sa Cavite noong 1872. Nag-iwan ang kanilang pagkabitay ng mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino. Labis na ikinalungkot ni Jose Rizal ang sinapit ng tatlong pari dahilan kaya niya inihandog ang kaniyang nobelang El Filibusterismo para magsilbing ala-ala sa tatlong paring ito.

ADVERTISEMENT
loading...