Rebolusyonaryong Pilipino | Andres Bonifacio

Kilala si Andres Bonifacio bilang isang Rebolusyonaryong Pilipino at Pambansang Bayani ng Pilipinas na nagtatag ng Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan. Siya ang isa sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang dapat na karapatang pantao ng mga Pilipino. Siya rin ay kinikilalang “Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino” at kilala sa tawag na Supremo.

Talakayin at Pag-aralan ang buhay ng isang Katipunero na si Andres Bonifacio.

  • Sino si Andres Bonifacio?
  • Anu-ano ang kanyang mga adhikain sa bansang kanyang sinilangan?
  • Bakit siya binansagang Pambansang Bayani?
  • Dahilan kung bakit si Bonifacio ang dapat naging unang Pangulo ng Pilipinas?
  • Ano ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay?

Hindi maikakaila na ang Bansang Pilipinas ay isa sa mga magagandang bansa sa buong mundo. Ano nga ba ang sinapit ng ating bansa noong unang panahon. Bigyang pansin ang ating sarili nang sa gayon ay malaman natin ang kahalagahan ng ating Bansa.

Sino si Andres Bonifacio?

Larawan ni Andres Bonifacio y de Castro
Andres Bonifacio
Photo from: Wikipedia

Si Andres Bonifacio y de Castro (30 Nobyemre 1863 – 10 Mayo 1897) o mas kilala bilang Andres Bonifacio ay isang Pilipinong Makabayan at Rebolusyonaryo. Siya ay binansagang “Ama ng Katipunan”. Itinatag niya ang kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Anak si andres nina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro ng Tondo, Maynila. Panganay sa limang magkakapatid, ang kaniyang mga kapatid ay sina Ciriaco, Procopio, Troadio, Esperidiona at Maxima. Maagang naulila sa magulang si Andres Bonifacio sa edad na labing-apat. Nahilig din siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, at sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini. Bagamat mahirap, siya ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa bayan, karapatang-pantao at kasarinlan ng inang-bayan.

Anu-ano ang kanyang mga adhikain sa bansang kanyang sinilangan?

Sa angking tapang na ipinamalas ni Bonifacio, binansagan siya sa ibat-ibang uri ng pangalan katulad ng: Supremo, Anak Bayan, Agapito Bagumbayan at kilala dahil sa pagiging Ama ng Himagsikang Pilipino at Dakilang Maralita. Siya ay may diwa ng paghihimagsik laban sa malupit na mananakop na kastila. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kaniyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kaniyang adhikaing makamit ang kalayaan ng bayan. Itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bílang “Kataastaasan, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na ‘di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik.

Kataastaasan, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
Photo from: Google

Bakit siya binansagang Pambansang Bayani?

Sa taglay na katapangan ni Andres Bonifacio, ipaglaban niya ang karapatan ng mga mamamayang Pilipino, siya ay binansagang Pambasang Bayani ng Pilipinas dahil siya ang nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Marapat lamang na siya ay bigyang karangalan dahil sa kanyang angking galing sa pamumuno at pakikipaglaban ngunit sa kagustuhang makamit ang kasarinlan ng kanyang bayang sinilangan, siya ay humantong sa kamatayan. Ang paglilitis kay Bonifacio at sa kanyang asawang si Gregoria de Jesus at kapatid na si Procopio ay isang balintuna. Si Bonifacio ay kaaway ni Aguinaldo na halos lahat ng miyembro ng Konseho ng digmaan ay mga tauhan ni Aguinaldo. Napatunayan ng hukumang militar na si Bonifacio at Procopio na sila ay nagkasala at hinatulan ng kamatayan.

Dahilan kung bakit si Bonifacio ang dapat naging unang Pangulo ng Pilipinas?

May ilang mga dalubhasa sa kasaysayan tulad nina Milagros Guerrero, Emmanuel Encarnacion, at Ramon Villegas ang nagtutulak na kilalanin si Bonifacio bílang unang Pangulo ng Pilipinas kaysa kay Aguinaldo, ang opisyal na kinikilalang pangulo. Ang paniniwalang ito ay nakabatay sa posisyon nitong Supremo sa pamahalaang himagsikan ng Katipunan mula 1896-1897. Ang paniniwalang ito ay nagbibigay diin na si Bonifacio ang nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan ng Katipunan bago pa nakabuo ng pamahalaang pinamunuan ni Aguinaldo sa pamamagitan ng Kapulungan ng Tejeros. Isinulat ni Guerrero na mayroong konsepto si Bonifacio na bansang Pilipinas na tinawag na Haring Bayang Katagalugan, na pinalitan ni Aguinaldo ng konseptong Filipinas.

Ano ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay?

Sa pagnanais na makamit ang kalayaan ng bansang Pilipinas, Siya ay pinatawan ng kamatayan o alinsunod sa konstitusyon ng opisyal na Pangulo na si Aguinaldo. Subalit magpasa hanggang ngayon, marami pa ring haka-haka at agam-agam kung paano isinagawa ang parusang kamatayan kay Bonifacio at sa kapatid nitong si Procopio. Isa pa ring malaking palaisipan ang pagkamatay ni Bonifacio sa madugong kasaysayan ng himagsikan sa Pilipinas.