Ang Pambansang Puno | Narra

0
34
Ang Pambansang Puno | Narra

Ang puno ng Narra ang tinaguriang “Pambansang Puno” at isang malaking puno na may taas na umaabot sa tatlumpu’t tatlong metro at sukat na dalawang metro.

Photo from: Google

Ang mga dahon nito ay may haba na 15 hanggang 30 sentimetro at hugis pahaba o biluhaba.

Narra, Ang Pambansang Puno

Ang Naga o mas kilala sa tawag na Narra (Pterocarpus indicus), ay isang puno na pinahahalagahan dahil sa angkin nitong tibay, bigat at magandang kalidad. Inihahalintulad ito sa mga Pilipino, na tulad ng Narra, ang mga Pilipino ay sadya ring matatag. Ang punong ito ay matatagpuan sa bawat lugar sa bansa. Ipinangalan ito alinsunod sa isang siyudad sa Naga, Bikol. Tinatawag din itong Asana ng mga Tagalog, Balauning ng mga Mangyan, Daitanag ng mga Kapampangan at Odiau ng mga Pangasinense.

Kilala ang narra sa katibayan nito kaya naman ang kahoy nito ay ginagamit sa paggawa ng mga bahay at muwebles. Ang dahon at bulaklak nito ay kinakain. Ang bulaklak ay pinagkukunan ng pulot.

Ang pinaghalong dahon ay ginagamit na panghugas ng buhok. Ginagamit din itong mabisang lunas sa mga sakit sa pantog, sakit sa bato, malimit na pagbabawas, at edema. Ang murang dahon ay inilalagay din sa bungang-araw.Ang pinakuluan nito ay maaari ring gamitin bilang pangmumog para sa singaw; bilang panglinis ng mukha; at para sa pananakit ng ngipin. Pinagkukunan din ang narra ng pulang kulay at resin.